BARYA NG KATOTOHANAN (Biyernes Santo)

  Рет қаралды 25,490

Diocese of Kalookan

Diocese of Kalookan

2 жыл бұрын

BARYA NG KATOTOHANAN
Homiliya para sa Biyernes Santo,
ika-15 ng Abril 2022, Jn 18:1-19:42
Ang maging Kristiyano ay maging alagad ng KATOTOHANAN. Ito ang implikasyon ng sagot ni Hesus kay Pilato: “Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa sanlibutan: upang magsalita tungkol sa katotohanan.” At sabi pa niya, “Ang nakikinig sa aking tinig (ibig sabihin, ang mga tagasunod o alagad ko) ay sinumang nasa katotohanan.” (Jn 18:37b)
Mukhang tinamaan si Pilato sa sinabi niya. Biglang naging defensive siya. Sabi niya, “Ano ba ang katotohanan?” (Jn 18:38) Nasabi ko na sa inyo sa mga nakaraang araw na alam din naman ni Pilato ang katotohanan; ang problema lang ay hindi niya ito mapanindigan, kaya siya naghugas-kamay.
Alam niyang hindi totoo ang mga akusasyon laban kay Hesus-na siya ay kasabwat ng mga rebeldeng grupo na gustong magpabagsak sa kapangyarihan ng Roman empire sa mga Hudyo. In short, na-redtag siya. (Noong kasagsagan ng EJK, drug-tagging naman ang uso.)
Siguro kaya Red ang kulay ng Biyernes Santo. Paalala din ito na ang ikinamatay ni Hesus sa krus ay red-tagging. May kinalaman sa pulitika, masamang klaseng pulitika. Hindi naman masama ang pulitika mismo. Tulad ng madalas sabihin ni Pope Francis-ang pulitika ay mahalagang sangkap ng lipunan para sa ikabubuti ng nakararami, hindi ng iilan. Nagiging masama lang ang politika kapag hinahayaan natin na mapasakamay ito ng mga taong hindi ang “common good” ang hangarin kundi pansariling mga interes o kapakanan.
Isa na yata sa pinakamatandang stratehiya ng mga tiwaling pulitiko ay ang pagrered-tag. Katulad ng nauuuso na naman ngayon. Tingnan mo yung katulad ni Doc Naty. Siyempre dahil napakatalino at napakagaling na duktor, dahil titulado, mataas ang credentials at pwedeng yumaman sa pagduduktor, suspetsado kaagad siya porke’t pinili niyang sa mga dukha sa mga liblib na baryo magsilbi bilang duktor. Sabi nga ng isang madre, “Ba’t ba ganyan, porke’t nagsi-serve sa mga dukha, komunista kaagad? Di ba pwedeng ‘Kristiyano’ muna?”
Ganyan din ang pagrered-tag na ginawa kay Hesus. Organizer daw kasi siya ng mga poor fishermen sa Galilea, naglalagi pa siya sa mga liblib na lugar tulad ng mga disyerto at bundok, at related pa siya sa isang kilalang aktibistang propeta na si Juan Bautista at maanghang din magsalita. Ayun, subersibo daw.
Kaya nilagyan siya ng karatula sa ibabaw ng ulo niya nang ipako siya sa krus. Isinulat pa daw sa tatlong linggwahe ang paratang laban sa kanya para maintindihan ng marami: sa Hebreo, Latin at Griyego. Parang babala: Huwag pamarisan kung ayaw n’yong mangyari din ito sa inyo. Ang INRI ay walang ipinagkaiba sa mga isinasabit din noon ng mga nakabonnet na pumapatay sa mga nasa listahan ng drug watch list. Siyempre, pag nakita ang karatula-tatahimik na lang ang tao at sasabihin-okey lang siguro, tutal salot naman ng lipunan ang pinatay.
Ayon sa mga ebanghelista alam naman ni Hesus na ito ang pwedeng maging kahihinatnan niya kung gagayahin niya ang mga sinaunang propeta, kung siya’y magsasalita tungkol sa katotohanan. Ang pinsan nga niyang si Juan Bautista, dahil hindi mapatahimik ang bibig niya, pinapugutan siya ng ulo ng gobernador na si Herodes. Delikado pala talaga ang maging alagad ng katotohanan. Mayroong kasing masasaktan o masasagasaan.
Ano ba ang katotohanan? Tanong ni Pilato? Tanong na hindi na naghintay ng sagot. Parang may kaunti pang natitirang integridad sa kanya noong lumabas siya at humarap sa mga nagpaaresto kay Hesus. Kumbaga sa Piskalya, sinabi niya na wala siyang makitang “probable cause” para bitayin ang taong ito. “Baka naman makukuntento na kayo kung ipapahagupit ko na lang siya?” Pero hindi e; kamatayan talaga ang gusto nila para sa kanya.
Mabigat daw ang loob ni Pilato. Mukhang kumbinsido ang mga tao sa sarili nilang katotohanan at desidido sila na palitawing si Hesus ang tunay na tulisan imbes na si Barabas. Noong panahon na nagsisimula pa lang at sumisikat ang pulitika ng mga Nazi sa Germany, sinabi daw ng propagandista ni Hitler na si Goebbels, “Ang kasinungalingan, kapag inulit mong minsan ay kasinungalingan pa rin. Pero ulitin mo nang libong beses nagiging katotohanan ito.” Mas lalong nagiging totoo ito sa panahon ng social media. Di ba mas mabilis magviral ang fake news kaysa sa totoo? Tanungin mo ang mga Russians kung totoo bang may giyera sa Ukraine, sasabihin nila, “Propaganda lang iyan.”
Kaya daw pala ang bilis nakuha ang boto ng nakararami sa korte ni Pilato. Naidaan kasi sa lakas ng sigaw. Pinagkaisahan nila ang hindi totoo. Kaya pati si Pilato, na-pressure na pagbigyan na lang sila. Ganoong tipo naman ng tao ang hanap ng Roman empire na mamuno sa bayan nila-iyung tipong magpapakatuta sa kanila. Iyung tipong magsasabing, “Kapag pinalaya mo ang taong iyan hindi ka kaibigan ng Roman emperor.” Kaya biglang natakot si Pilato na baka makalaban pa niya ang mga ito at mawalan siya ng kapangyarihan. Malakas talaga ang hatak ng pera at kapangyarihan.

Пікірлер: 33
@erlybalaguer7933
@erlybalaguer7933 Жыл бұрын
Hello po have a blessed gud day po bishop Ambo ur gospel is nice meaningful iñspiring po.God bless bishop Ambo stay healthy safe have a nice day.bye.
@dimaygarin2866
@dimaygarin2866 2 жыл бұрын
Thank God for His everlasting mercies. Praise be Jesus Christ 🙌🏻☦🛐💒📖📿💗🌸💖🌷💞 #BiyernesSanto2022 💌
@evangelinegomera4284
@evangelinegomera4284 4 ай бұрын
MaPagPalAng Araw Po Bishop David... SalaMat Po Sa Napakagandang Homily Po ninyo. Tama Po kayo Bishop, Ang Tunay na tagasunod ng Panginoon handang harapin Ang LaHat Ng kahirapan Upang Lalo pang maging matatag sa Aking Pananampalataya. Panginoon Mahal ko Po kayo Handa Po akong ialay Ang aking Buhay... SalaMat Po Mahal naming Panginoon Amen..!🙏🙏🙏♥️
@belenbautista2938
@belenbautista2938 2 жыл бұрын
Maraming salamat po panginoonSalamat po fr sa magandang homilia
@leticiabalitaan5924
@leticiabalitaan5924 2 жыл бұрын
Good morning ho Bishop David.thank you for knocking in our hearts, to think what is right and wrong . Lord Jesus, thank you for your forgiveness to our sins.. Happy Easter ho Bishop..amen
@leticiabalitaan5924
@leticiabalitaan5924 Жыл бұрын
Good evening ho… enlightening, inspiring, and make me smile….thank you ho Bishop David.
@lydiayoupancho4307
@lydiayoupancho4307 2 жыл бұрын
Thank you Bishop Ambo for very ínspiring homily. God bless us all !
@leticiabalitaan5924
@leticiabalitaan5924 Жыл бұрын
Good morning ho, Bishop David, inspiring and touching homily. Thank you ho.
@josienato2339
@josienato2339 Жыл бұрын
salamat po vishop sa homily nyo to ngayon ko lang naunawan nang husto kahuloganan kanta
@doloresdeasis4163
@doloresdeasis4163 2 жыл бұрын
Thank you, Bishop for this homily sana pumasok ito sa bawat puso ng Pilipino.
@florpascual2694
@florpascual2694 2 жыл бұрын
Amen Lord,totoo po,salamat muli sa homilia Bishop Ambo naway maunawaan ng lahat at concience ang maging guide lagi sa ngalan ni Jesus,Amen.🙏💙💛🙏
@remediosreboja1837
@remediosreboja1837 2 жыл бұрын
Forceful and powerful homily by no other than our Bishop Ambo, the fearless and truthful servant of God! . Sana po marami pang katulad ninyong Obispo na May integrity at nag ibigay ng kahalagahan sa katotohanan. God bless and stay safe po. Watching and being inspired by you from California. Maraming salamat po.
@dionexzarate9268
@dionexzarate9268 Жыл бұрын
Watching from Toronto. Listen to this from start to finish. Powerful homily on the truth BARYA NG KATOTOHANAN. MARAMI KANG MAKUKUHANG MAGALING NA INSIGHTS. ON KAUNTING BARYA NG KATOROHANAN....
@nonamariamercadodizon9367
@nonamariamercadodizon9367 2 жыл бұрын
Thank you pu. You sound like my late parents. Honesty, honesty, honesty. No lying. Stand for truth.
@hermanestrada7584
@hermanestrada7584 3 ай бұрын
Amen
@fannyrivera5569
@fannyrivera5569 2 жыл бұрын
Puno ng katotohanan, tunay at crystal clear ang mensahe mo Bishop. Pray ko na nasa maraming magising.
@mariamvillaver9510
@mariamvillaver9510 2 жыл бұрын
Jesus have Mercy of me a sinner 🙏🏻🙏🏻🙏🏻🙏🏻🙏🏻✝️💜
@virginiabonajos1470
@virginiabonajos1470 2 жыл бұрын
Thanks so much Bishop Ambo for your Tagus sa puso na homily. Everyone could not resist to reflect and move into action . May the Lord protect you all the time. 🙏🙏🙏
@remediosreboja1837
@remediosreboja1837 2 жыл бұрын
Powerful and down-to- earth homily by our very own Bishop Ambo! Thank you so much po sa inspiring homily. Sana po marami pang katulad ninyo na nagsasalita ng katotohanan at di natatakot. God bless you po and stay safe. Watching and being inspired by you from California.
@egs0162
@egs0162 2 жыл бұрын
Romans 13:1.,2. 1. Let every soul be subject unto the higher powers. For there is no power but of God: the powers that be are ordained of God. Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios. 2. Whosoever therefore resisteth the power, resisteth the ordinance of God: and they that resist shall receive to themselves damnation. Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili.
@julietahamoaynazif5203
@julietahamoaynazif5203 2 жыл бұрын
Thank you Bishop Ambo! Godbless 🙏
@angelitabaclagon1612
@angelitabaclagon1612 2 жыл бұрын
Thank you po Bishop and God bless.
@m.a.m7080
@m.a.m7080 2 жыл бұрын
😇🙏
@virginiasabado5269
@virginiasabado5269 2 жыл бұрын
God bless you and your ministry, Bishop! May God protect you from any evil intentions always. 🙏🏼🙏🏼🙏🏼
@filomenaalba4302
@filomenaalba4302 2 жыл бұрын
. PM bi
@melliemedina8801
@melliemedina8801 2 жыл бұрын
Amen 🙏🙏🙏
@jongpinlac1963
@jongpinlac1963 2 жыл бұрын
Bat kapag naka red ang pari ok lang. pero kapag pink. malaking isyu?
@elviranguyen6292
@elviranguyen6292 2 жыл бұрын
Pink ba si Dr. Naty? Pink ba si Chad Booc?
@genbcab1234
@genbcab1234 2 жыл бұрын
' Forgive them for they know not...' Radical Love nlang. God bless us all!🙏💗
@josienato2339
@josienato2339 Жыл бұрын
dati po pag kinakanta namin to saisip ko po ano kaya sabihin ni lord sigorado kayo
@julietahamoaynazif5203
@julietahamoaynazif5203 2 жыл бұрын
Thank you Bishop Ambo! Godbless 🙏
MAHIMASMASAN SA KAHIBANGAN (Unang Linggo ng Kuwaresma)
19:08
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 18 М.
Fr. Dave Concepcion's Story of Vocation
36:55
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 86 М.
SHE WANTED CHIPS, BUT SHE GOT CARROTS 🤣🥕
00:19
OKUNJATA
Рет қаралды 14 МЛН
La final estuvo difícil
00:34
Juan De Dios Pantoja
Рет қаралды 27 МЛН
Feast of the Holy Family Homily
21:28
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 25 М.
PAG-UUSAP NA NAKAPAGBABAGO (
21:44
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 17 М.
Kapistahan ng Nuestro Padre Hesus Nazareno Homily
23:03
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 23 М.
DAING NG SANGNILIKHA
21:23
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 6 М.
KAMANLALAKBAY (Paglulunsad ng Sinodo Tungo sa Isang Simbahang Sinodal)
20:45
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 18 М.
(Day 10 Marian Pilgrimage) NASAKTAN PERO NAKASAKIT DIN - Homily by Fr. Dave Concepcion /May 11, 2024
21:45
Fr. Dave Concepcion, EVERYTHING IS GRACE
Рет қаралды 46 М.
HOLY MASS TODAY | June  01  Saturday MASS  |  REV FR DOUGLAS BADONG
39:51
Catholic Mass Today Live (CMTL)
Рет қаралды 13 М.
Life is a gift.. Life is short
33:38
Father Soc
Рет қаралды 245 М.
Huwebes Santo sa Paghahapunan ng Panginoon
2:14:13
Diocese of Kalookan
Рет қаралды 12 М.
SHE WANTED CHIPS, BUT SHE GOT CARROTS 🤣🥕
00:19
OKUNJATA
Рет қаралды 14 МЛН