MGA NAPAOS NA LETRA (Spoken Word Poetry)

  Рет қаралды 42,153

beverly cumla

beverly cumla

4 жыл бұрын

#WorldPoetryDay #MgaNapaosNaLetra
Mga Napaos Na Letra
Nakakabaliw rin palang simutin ang tinta ng pluma
Sapagkat ramdam ko ang paghihingalo nito
Tulad ng pusong patuloy na inilalaban ko para sa'yo
Na kahit naririnig ko nang humihingi ito ng saklolo
Ay hindi ko pa rin isinusuko
Ilang kwaderno na rin ang nasayang
Napuno ito ng mga damdaming nanghihinayang
Na parang
Lagi mong hinaharang
Ang mga salitang inalayan ko ng tapang
Sapagkat hindi lang dahil hindi mo ito binabasa
Kundi dahil pagbuklat sa mga pahina ay 'di mo na magawa
Hindi mo pa nga nakikita ang mga salita
Pero iniwas mo na agad ang 'yong mga mata
Paano mo pa mapapakinggan ang mga sinasabi nila
Kung pinipili mo agad na ibasura ang mga letra
Hindi ko naman sila iginuguhit lang basta-basta
Isinusulat ko sila sapagkat dito ko nasasabing mahal na mahal kita
Kahit mas mahal na mahal mo siya.
Kaya sinta,
Kung patuloy mo lang na pupunitin ang mga papel
Ay 'di na 'ko mag-aaksaya
Kung wala ka na talagang balak magbasa
Ay babasahin ko nalang sila
Paubos na rin ang tinta, at halos wala nang espasyo ang mga pahina
Kumpleto na ang talata
Kaya ito na, ang huling pagsigaw ng mga letra
MAHAL KITA, apat na pantig na salita at dito ako magsisiimula
MAHAL KITA, kahit sa aking pananatili ay mas pinili mo siya
Mas nangibabaw sa'yo ang pag-ibig na pansamantala
Sapagkat alam naman nating dalawa na ginagamit ka lang niya
MAHAL KITA, kahit na ilang beses mo na 'kong ginagawang tanga
Mas ginusto mong sumama sa taong ilang beses nang pinaluha ka
At hindi sa tulad kong ilang beses nang pinatahan ka
MAHAL KITA, kahit paulit-ulit mo na 'kong iniiwang mag-isa
Pupunta ka lang kapag may kailangan ka
Pagkatapos ay aalis na sa oras na balikan ka na niya
MAHAL KITA, kahit paulit-ulit mo na 'kong binabalewala
Kahit 'di mo nakikitang ginagawa ko ang lahat para ikaw ay sumaya
Kahit pilit mong pinapamukha na hanggang dito lang ako talaga
Kahit binubusulan mo na agad ang mga salita kong gusto magsalita
Ang nais ko lang naman ay mapakinggan mo ito
Hindi ko hinihiling na sagutin mo ang mga sulat ko
Dahil tanggap ko naman mahal,
Na hindi mo mabibigay ang pagmamahal
Pero hindi ka naman magiging hangal
Sa pagtanggap ng mga tulang inipon nang kay tagal
Pakikinig mo lang naman ang kailangan ko
Dahil gusto nang magpahinga nang puso kong pagod na pagod nang isigaw ang nararamdaman nito
Nakumpleto ko na ang mga letra mula sa alpabeto
Lahat nang ito ay nailatag ko na sa mga pahinang ibinibigay ko sa'yo
Pero pinili mong walang basahin sakanila
Pinili mong maghikahos ang mga salita
Na kahit naririnig mo na ang sinisigaw nitong "mahal kita"
Ay hindi mo pa rin pinagbigyan na buklatin ang pahina
Kaya tama na.
Tanggap ko na na hindi mo 'ko matatanggap talaga
Na kahit anong isulat, isigaw o ilathala
ay agad-agad mong ibabasura
Sapagkat ang gusto mong pakinggan ay ang boses lang niya.
Paos na ang mga letra at sumuko na sila.
Kaya sa natitirang espasyo ay wala na 'kong isusulat pa,
kundi tuldok, at dito ay tatapusin ko na.
'Wag kang mag-alala
Dahil hindi magtatapos ang aking paglika.
Magpapatuloy ako, pero hindi na para sa'yo.
Kundi para sa mga taong mas kayang pakinggan ang sinasabi ng mga sulat ko.
--
For more updates, follow me on my social media sites listed below:
FACEBOOK PAGE: / bcumla
TWITTER: / beverly_cumla
INSTAGRAM: @beverlycumla
FOLLOW OUR FAMILY AND BE PART OF THE BEVIES!
/ @officialbevies
For business purposes, email me at:
beverly.cumla@gmail.com -
-
#BeverlyCumla #SpokenWord #Poetry #HugotTalk

Пікірлер: 179
@beverlycumla
@beverlycumla 4 жыл бұрын
Maligayang araw ng pandaigdigang tula! ❤️
@janelajaymalincapuno7357
@janelajaymalincapuno7357 4 жыл бұрын
😍😍😍
@carathaesebongs4993
@carathaesebongs4993 4 жыл бұрын
💖💖💖
@kianyuldecatarroja7002
@kianyuldecatarroja7002 4 жыл бұрын
beverly cumla Hi ate beverly, i really like your works. nakakamangha, nararamdaman ko talaga ang saket sa bawat bigkas mo. I am one your fans. Ang galing mo po sobra, nakakinspired.😊😊
@annetalks2011
@annetalks2011 4 жыл бұрын
Thank you so much sa mga inspiration mo po tru spoken words poetry... Paulit ulit kong pinapakinggan lahat ng mga pyesa mo po...😍
@janrexzielledelacruz4360
@janrexzielledelacruz4360 4 жыл бұрын
Yieeee Happy World Poetry day, From the admin Of Just Poetry and Arts -Levi
@justyvan2277
@justyvan2277 4 жыл бұрын
Salamat. Magpapatuloy ulit ako sa pagsusulat Kahit na minsay nagkakalat Salamat. Pinahayag mo na ang makata ay ndi magkakalamat Pinaalala mo Ang alamat na may daang agimat sa pagsusulat.
@abydarilljheicylclouei2627
@abydarilljheicylclouei2627 3 жыл бұрын
Kahit paulit ulit ko pinapanood mga video mo tagos na tagos pa din bawat letra ng pyesa mo🥰
@xciiituan3195
@xciiituan3195 4 жыл бұрын
"Mahal na mahal kita.. Kahit na mas mahal na mahal na niya" 💔💔💔
@vjornardarguson8172
@vjornardarguson8172 4 жыл бұрын
Ganda po ng spoken poetry ninyo nakakarelate po
@reyzaldygapa2727
@reyzaldygapa2727 4 жыл бұрын
Happy world poetry day. Ang galing ninyo po ate beverly cumla
@marjoriealcala2914
@marjoriealcala2914 4 жыл бұрын
Sumulat dn ako ng maikling piyesa naka2inspire kasi magsulat lalo na kung may pinagla2anan ka♥thank you ms.beverly cumla
@kylasantiago2680
@kylasantiago2680 4 жыл бұрын
Maraming salamat binibini dahil isa ka sa mga nagsisilbi kong inspirasyon sa pagsulat nang tula
@katpragedes7309
@katpragedes7309 4 жыл бұрын
Walang kupas kagaling talaga. Durog nanaman c ako bakit kapag ikaw na nagsalita ay sadyang kakaiyak. Ganun pa man akoy humahanga sa iyong talentong taglay. Sobrang ako ay natangay at sa pagkakatangay Kong iyon nalunod na sa sariling luha. Salamat po Ms. Bev
@jessamaeekwasen8467
@jessamaeekwasen8467 4 жыл бұрын
May gas ateh!!!!!!... ang ganda!!.. nakatouch ng puso... na sa oras na pinapakinggan ko ang mga itoh, parang kumikirot n rin ang puso ko Sapagkat ramdam ko din Ang mga nais mong sabihin... 😊😊😊😊😊😊 Mabuhay ang mga makatang katulad mo ateh..
@janebalo4510
@janebalo4510 4 жыл бұрын
Hi po.👋 I'm a fan. Ikaw po yung naging rason kung bakit nagsusulat ako ng mga tula kapag may nararamdaman ako😍😍 God Bless po and to more spoken word poetry videos to watch from you po😍😍❤❤
@chrismarkata5864
@chrismarkata5864 4 жыл бұрын
Ang pinakapaborito ko sa lahat ng manunulat at manunula. Maraming salamat ate Bevs
@ghenabello4191
@ghenabello4191 4 жыл бұрын
Ang galing .. damang dama ko ung emotion.. my fave
@jorgeryanrambacod8615
@jorgeryanrambacod8615 3 жыл бұрын
Ibinigay ang mga letra ng pag mamahal ko pero di binigyang halaga kasi ang alam molang ay mahal mo sya
@ririsantosratunil9514
@ririsantosratunil9514 4 жыл бұрын
Masakit pero tagos. Pero kahit ganun yung turing nila sa tula ko, magpapatuloy lang ako, gaya mo po. Magpapatuloy ako, magpapatuloy tayo, magpapatuloy kami.
@christiansamson1390
@christiansamson1390 4 жыл бұрын
Kanina kupa po ito hinihintay❤❤❤
@izadimacale4001
@izadimacale4001 4 жыл бұрын
HALA umiiyak ako! Naramdaman ko sobra.
@kurtbarrido840
@kurtbarrido840 4 жыл бұрын
Idol talaga kita. Nakaka inspired ka talaga idol.
@rositavillanueva663
@rositavillanueva663 4 жыл бұрын
Sakit kahit di namn ako broken galing
@christiansamson1390
@christiansamson1390 4 жыл бұрын
Galing natusok ang puso ko sakitt❤❤
@clairedupalco2811
@clairedupalco2811 4 жыл бұрын
"Para sa mga taong nag-alay ng tula sa mga taong di man lang pinahalagahan ang kanilang nagawa " I felt that 😭
@jessasamorin4232
@jessasamorin4232 4 жыл бұрын
hi po ate beverly isa rin po akong spoken poetry maker/ writer. Tapos idol ko po tlga kayo. Thank you po kac magmula nung makita ko yung mga videos mo na motivate ako lalo.
@lionelpacion2k
@lionelpacion2k 4 жыл бұрын
ang galing. keep the passion burning.
@febernscasaclang7447
@febernscasaclang7447 4 жыл бұрын
Galing galing galing mo naman
@alyssashannenpenaranda3978
@alyssashannenpenaranda3978 4 жыл бұрын
Ate bev relate sa ng yayari sa akin ngayon thank you sa mag tula na ginawa mo po tamang tama po ako hahaha pero happy ako gusto ko matutu gumawa ng sariling spoken word ehh idol kita ate bev ehh 😊😊😊😅😅😅
@saido4436
@saido4436 4 жыл бұрын
mabuhay po ang mga makata 😍😍
@VEEJAY16TV
@VEEJAY16TV 4 жыл бұрын
Happy world Poetry Day to All "Makatas" Maam salamat sa palaging pag inspire. Inaamin ko po, isa ako sa medyo mawawalan na ng gana, na lumikha pa ng pyesa, kasi Wala pa masyado.sumusuporta😕😢😢😢😥 #inspireBy #BeverlyCumla
@kcookciejoy5588
@kcookciejoy5588 4 жыл бұрын
I really like the way you spoke the poem with so much emotion. 💕
@jonathana.javienofficial4845
@jonathana.javienofficial4845 4 жыл бұрын
Ate bevs salamat po ng marami sa iyo Mabuhay lahat ng makatang Pilipino, Lahat ng obra mo ay pinapakinngan at pinapanood ko At dahil sa mga ito ay nabuksan ko ang baul at doon nakita ko ang aking lumang libro. Habang hinahawi ang bawat pahina ng aklat Ay biglang bumalik sakin ang alaala ng pagsusulat, Ngayon ko lamang napagtanto MGA NAPAOS NA LETRA pala laman ng aking libro. Mga akda na pawang puso ang puhunan Mga letrang nabuo sa panahon na masaya maging sa kalungkutan, Ngunit sadya palang kahit ibuhos lahat ng tinta Kung ang magbabasa naman nito ay may bulag na damdamin at walang pandama. At dahil sa patuloy mong pagbibigay ng inspirasyon sa pagsusulat Nabuhay muli ang dating ako at mga mata'y namulat, Nawa'y dumami pa ang tulad mo at sa kalupaa'y kumalat Upang mapanatili ang yaman sa sining ng pagsusulat. Medyo napahaba na ang aking komento Ako'y naantig lamang sa ikli ng panahon na panonood ko sayo, Nais ko lang po na ipabatid sa inyo Ako po ay isa sa inyong mga tagahanga at saludo po ako sa inyo.
@kyannegardose253
@kyannegardose253 4 жыл бұрын
One of my favorite spoken poetry artist😍
@hannamasilang7368
@hannamasilang7368 4 жыл бұрын
Like it much :) Niece piece..
@claricerosales4343
@claricerosales4343 4 жыл бұрын
More tula to come pa po ate bev!
@danicapalapar9997
@danicapalapar9997 4 жыл бұрын
Iba talaga ang galing mo sa paglikha ng tula ate bevs☺ Maligayang araw ng pandaigdigang tula ☺❤
@jovelynejandra6688
@jovelynejandra6688 4 жыл бұрын
Thats my idol
@mukbanggirl5308
@mukbanggirl5308 3 жыл бұрын
One of your fans ilove it❤️
@kimirishmelanio2679
@kimirishmelanio2679 4 жыл бұрын
Ang ganda po ate 😊 napakahusay nyo po talaga ♥️
@sherry8273
@sherry8273 4 жыл бұрын
Wow ang ganda naman po ng tula mo, pati po ng kwarto mo. New youtuber here po 😊
@MacalinaoTv
@MacalinaoTv 4 жыл бұрын
Salamat po sa pagpapahalaga sa mga manunulat, isa po kayong inspirasyon, Maraming Salamat, Mabuhay ka 👍🙏👏
@alaneserrano2163
@alaneserrano2163 4 жыл бұрын
Tanggap ko na na hindi mo ako matatanggap talaga😔.. awwtsss.. Galing mopo talaga ate vebs😊 kakainspire po kayo❤
@judyroseb.deguzman2043
@judyroseb.deguzman2043 4 жыл бұрын
sobrang ganda ng dimple mo.😍
@princessdiannea.alburan9418
@princessdiannea.alburan9418 4 жыл бұрын
The best ate beverly!!! You inspire me again to write❤️❤️❤️
@patriciamaralan2977
@patriciamaralan2977 4 жыл бұрын
galing talaga😙
@denzmarquez
@denzmarquez 3 жыл бұрын
sakit nmn nito. pero salamat kc ramdam ko :'( at ngyari narin sakin to ^_^
@trixiemanreal5558
@trixiemanreal5558 4 жыл бұрын
Omaaaaayghaaad💕💕💕 ansaket namn teh bevs.
@jersonpadron4604
@jersonpadron4604 4 жыл бұрын
Happy Word Poetry idol. Sarap talaga sa pakiramdam na nakaksulat ng tula. Thankyou for inspiring❤️
@jonalyngregorio8813
@jonalyngregorio8813 4 жыл бұрын
Grabee ansakitt
@lhontigas8658
@lhontigas8658 4 жыл бұрын
Isa ka dahilan kung bakit ako patuloy sa pag tula.. Salamat sa mga letrang iyong nilikha More spokenworld bev 😊❤️
@jasminenavarez3113
@jasminenavarez3113 4 жыл бұрын
Hi ate bev, ang ganda po ng piyesa niyo. Grabe ate bev, tinamaan nanaman po ako. Ang sakit sakit po na ganun talaga yung nangyari sa akin. Na lahat ng sinabi mo eh nangyari sa buhay ko. Nakakatawang isipin na naging mahina ako at muntik ko nang sukuan ang dahilan kung bakit nagagawa kong sabihin ang nararamdaman ko. Thank you ate bev, promise hindi po ako titigil na sumulat ulit kahit nasaktan ako ng sobra...
@karlasantos6375
@karlasantos6375 3 жыл бұрын
Idol 💗💗💗
@ricalynbollosa461
@ricalynbollosa461 4 жыл бұрын
Sobrang ganda ate beverly
@christiansamson1390
@christiansamson1390 4 жыл бұрын
Ang galing ate bevs💓💓💓
@gwenethprado9528
@gwenethprado9528 3 жыл бұрын
The emotions is superb 🥳 mas damang-dama talaga yung sakit, yung lungkot. Congratulations Ate Beverly 🥳
@nicogamale2984
@nicogamale2984 3 жыл бұрын
Ate ang galing yo talgaa
@g24cleaobahib91
@g24cleaobahib91 4 жыл бұрын
dabesttttt😍😍
@newton-manglicmotkristel6999
@newton-manglicmotkristel6999 4 жыл бұрын
RIP sa mga tulang maling tao ang naging paksa
@pingmagzxx819
@pingmagzxx819 4 жыл бұрын
This is so truuuuuue magpapatuloy sa paglilikha at titigil na sa pagluha❤❤
@luna-bu6lg
@luna-bu6lg 4 жыл бұрын
ackKkk yung dimple!!!!
@rheamaguliano2797
@rheamaguliano2797 4 жыл бұрын
Idol ate bev😍
@PreciousEBueno
@PreciousEBueno 4 жыл бұрын
'Sa mga taong nag-alay ng tula para sa iba pero hindi sila nabigyang halaga' Medyo tinamaan ako dun ate pero thank youuu❤
@irishclairemarbibi1960
@irishclairemarbibi1960 4 жыл бұрын
Iba ka talaga te bevs😍😍
@jenilyncastillo5318
@jenilyncastillo5318 4 жыл бұрын
Relate na relate ako nito 😣 Yung mga SWP na ginagawa ko ay inaalay ko lagi sa taong wala namang pakialam nito, hindi man lang na aapreciate yung gawa ko 😥 Pero ayos lang, patuloy parin sa pagsusulat, kasi dun ko nalalabas kung ano talaga yung madarama. Thank you so much Ate Beverly ❤ You are one of my inspiration sa paggawa ng mga tula 😊
@krystellemendoza4016
@krystellemendoza4016 4 жыл бұрын
Happy World Poetry Day po.. Thank you for inspiring❤
@kj-partv1205
@kj-partv1205 4 жыл бұрын
Ang Ganda idol 🙈
@apriljoymadduma7339
@apriljoymadduma7339 4 жыл бұрын
Ate ba't ang galeng huhu 🤒💙
@cheskalcntr
@cheskalcntr 4 жыл бұрын
First
@kayemaza4629
@kayemaza4629 4 жыл бұрын
Mahal kita🥀. Pero mas mahal mo sya💔
@samvillavicencio3120
@samvillavicencio3120 4 жыл бұрын
Galeng mo talagaaa ate bevs😊
@cruzandferandezvlogs4666
@cruzandferandezvlogs4666 4 жыл бұрын
So far this is my favorite poetry kasi dito ko mas nafeel yung sakit ng paggawa ng tula pero hindi naman binigyang halaga ng inakayan nito! Ang galing mo talaga ate bevs hope na magkaroon tayo ng collab hehe kahit di ako ganun kagaling hehe sobrang ganda lagi ng ginagawa mong mga poetry but this one is my favorite God bless ate bevs more blessings to come po!💕
@czarinagardon6424
@czarinagardon6424 3 жыл бұрын
Naiyak akooo! Napanood ko siya sa panahong parang wala na kong gana muling sumulat ng tula 😭❤
@trx8642
@trx8642 4 жыл бұрын
Wala pa man😭 galinggggg! Habang nagsusulat ako ng tula iniisip kona na paramg wala lang halaga. Kasi yung tula ay para sakanya. Pero parang wala na, wala ng pag-asa na babalik siya. Kahit ilang letra, salita o makakikha man ng libu-libong tula, ay wala na. Hindi niya na mararamdaman yung bawat tula kasi wala na siyang pandama.
@bernadettepadua4875
@bernadettepadua4875 4 жыл бұрын
Dito ko nasasabing mahal na mahal kita. Kahit mas mahal mo siya. 😢 Mahal Kita, kahit paulit ulit mo akong binabalewala.😭 Wala na akong ibang isusulat kundi tuldok. -sana ate bevs, kung gaano kadaling isulat ang tuldok ganun din sana kadaling panindigan.😭 Ate Bevs, bakit laging tagos ung mga pyesa mo?🤕😢 PS. Happy World Poetry Day ate Bevs😘
@lavenaflores8946
@lavenaflores8946 4 жыл бұрын
😢💔 it hurts me so deep 💔💔💔💔
@princejoeysantos2020
@princejoeysantos2020 4 жыл бұрын
Pang 1k ako na nag like hahaha sakto sana ma noticed
@maricarsajul8853
@maricarsajul8853 4 жыл бұрын
Biglang pumatak ang luha ko :(
@jayzpcaj6928
@jayzpcaj6928 4 жыл бұрын
Ang ganda talaga ate, ikaw ang ini idolo kong isang poet ❤️😘 nakaka relate po ako ng sobra
@bossyboss4963
@bossyboss4963 4 жыл бұрын
Ang galing galing naman ate, May idol din ako na nagpopoetry pero low qual pa yung channel njya nagsisimula palang kasi HAHAHA shh haha nasa MGA HUGOT NI JUAN na channel siya Andrew abadines pangalan ng artist na toh idol shh haha
@monaysiervo8713
@monaysiervo8713 4 жыл бұрын
Happy World Poetry Day, especially sayo ate Bev! Thank you for inspiring me again to finish my poetry huhu ☹️ love u! Keep safe
@merieamaro1094
@merieamaro1094 4 жыл бұрын
Galeng poo🤧❤
@rjyambastv5038
@rjyambastv5038 4 жыл бұрын
Idol🥰😍😍😍😍
@sarahstories9961
@sarahstories9961 4 жыл бұрын
I love You Ate Bev ❤ Thank You for sharing your talent ❤🥰
@chachavlogs3239
@chachavlogs3239 4 жыл бұрын
And that's it for the video really switched the mood hahahaha.. awit giliw
@shielaenchanted754
@shielaenchanted754 2 жыл бұрын
Totoo, magsusulat at magsusulat pa rin. After a year, bumalik Ulit ako. 😊 Payakap po kung isa ka sa mga makakabasa nito. Salamat
@corinnebadinas2139
@corinnebadinas2139 4 жыл бұрын
Salamat sa pagiging isang inspirasyon, Ate Bevs! ❤❤
@delarosagerheamaeu.9748
@delarosagerheamaeu.9748 4 жыл бұрын
straight to the heart 💘
@patchi5733
@patchi5733 4 жыл бұрын
I'm a new fan of yours! Galing 👏🏻👏🏻 masakit din 😂 thank you for this! I hope next content is all about "pag bitaw sa taong binalewala lang yung pagmamahal mo".
@hannakim4354
@hannakim4354 4 жыл бұрын
Idol ate Beverly...pwede po ba kayong gumawa nang spoken poetry na “Sa Umpisa Lang Masaya”
@TeacherNana7
@TeacherNana7 4 жыл бұрын
Ang sakit 😭😭 Ang naman ang palaging nandito..bat sya parin mahal mo?
@-Ravela
@-Ravela 4 жыл бұрын
Whaaaa😍😍 ang soliiid❤️❤️
@ashleyhapa1823
@ashleyhapa1823 4 жыл бұрын
SOLID NAAAAAY,,, BAT NAMAN GANON??🥺
@liezelpascual7591
@liezelpascual7591 4 жыл бұрын
Outch😕😪 galing ate bevs relate so much Araw araw akong nag aabang nang bago mong video
@delacruzjheramay8854
@delacruzjheramay8854 4 жыл бұрын
Pa shout out narin po sa susunod na video mo po
@sanchan8288
@sanchan8288 4 жыл бұрын
The hec-? Just reading the title piece gave me goosebumps. Just why most of your pieces slap me so hard huhu
@shannahallyzachica9946
@shannahallyzachica9946 4 жыл бұрын
Nakakainspireeeee ate bevssss🥺❤️ Sa fb po ako nanuod tapos nanuod po ulit ako sa youtubeeee
@icoretechcayabyab7135
@icoretechcayabyab7135 4 жыл бұрын
Hi! thank you for making this poetry. sobra po akong tinamaan. Lagi akong gumagawa ng tula para sa kanya pero ngayon ko lang nalaman na lahat pala ng yun ay binabasura niya. I'm in pain but di parin titigil gumawa ng tula, pero sa tamang tao na.
@iamerking
@iamerking 4 жыл бұрын
Parang gusto ko din gunawa.
@jeromejorge9014
@jeromejorge9014 4 жыл бұрын
♥️♥️♥️
@famemoos3747
@famemoos3747 4 жыл бұрын
AMAZING! The content and the delivery is 👍 and ❤️. Ms. Bev you're amazing
@agnorica3743
@agnorica3743 4 жыл бұрын
😍😍😍
@elronddevera9114
@elronddevera9114 4 жыл бұрын
Wahhhhh ate bevssss sobrang galing mo talaga❤❤
@shanelleabarquez1128
@shanelleabarquez1128 4 жыл бұрын
Second❤️
'WAG KANG MAPAGOD MAGMAHAL. (Spoken Word Poetry)
4:45
beverly cumla
Рет қаралды 82 М.
Double Stacked Pizza @Lionfield @ChefRush
00:33
albert_cancook
Рет қаралды 74 МЛН
A clash of kindness and indifference #shorts
00:17
Fabiosa Best Lifehacks
Рет қаралды 111 МЛН
Best father #shorts by Secret Vlog
00:18
Secret Vlog
Рет қаралды 22 МЛН
WHAT’S THAT?
00:27
Natan por Aí
Рет қаралды 13 МЛН
Pilipinas Got Talent 2018 Auditions: Antonio Bathan Jr. - Spoken Word Poetry
8:07
Pilipinas Got Talent
Рет қаралды 18 МЛН
Somewhere only we know - keane (Cover by rhianne music) - 1 HOUR ( Lyrics)
1:00:54
PAGSUKO - Christian Spoken Word Poetry
3:29
Reymart Tejada
Рет қаралды 9 М.
15 Signs You're An INFJ - The World's Rarest Personality Type
12:21
BRAINY DOSE
Рет қаралды 12 МЛН
Kailangan ba talaga ng COOL OFF? | Hugot Talk
7:12
beverly cumla
Рет қаралды 57 М.
Wala Nang Lokohan (Spoken Word Poetry)
4:35
beverly cumla
Рет қаралды 23 М.
Tagalog Spoken Word Poetry: Brian Vee's "TAKIPMATA"  (2019)
4:01
'Wag Ka Matakot Mag-isa. (Spoken Word Poetry)
4:46
beverly cumla
Рет қаралды 34 М.
Hanggang Sa Makalaya Ka (Spoken Word Poetry)
4:47
beverly cumla
Рет қаралды 22 М.
Grandma Cat - the Hot Dog Eating Champion #gaming #food #challenge  #cartoon
0:15
Super Emotional Stories
Рет қаралды 16 МЛН