Hanggang Sa Makalaya Ka (Spoken Word Poetry)

  Рет қаралды 22,380

beverly cumla

beverly cumla

4 жыл бұрын

#HanggangSaMakalayaKa #SpokenWordPoetry
Hanggang Sa Makalaya Ka
Ilang taon na rin ang nakalipas
simula nang ikulong ka niya
Sa rehas na kandado
At ang susi lamang ay ikaw
Pero nanatili ka dito
Sapagkat takot kang kumawala
Dahil 'di ka sigurado kung dapat na ba ulit magtiwala
Ilang taon ka nang hindi makalabas
Simula nang hinayaan ka niya
Ang rehas ay pagkabigo
At ang susi lamang ay pagtayo
Ngunit nanatili kang nakaupo
Sapagkat takot kang lumaban
Dahil 'di ka sigurado kung muli kang maiisahan
Ilang taon ka nang hindi makausad
Simula nang pigilan ka niya
Ang rehas ay ang nakalipas
At ang susi lamang ay pagkalimot
Ngunit hindi mo 'to ginawa
Sapagkat hindi ka pa handa
Para maging bakante ang diwa sa panibagong mga alaala
Ilang taon ka nang tahimik
Simula nang talikuran ka niya
Ang rehas ay ang mga tanong
At ang susi lamang ay sagot
Ngunit hindi mo ito hinanap
Sapagkat takot kang marinig
Ang mga dahilan kung bakit ka na niya hindi inibig
Ilang taon ka nang lulong sa kaniya
Simula sa kaniyang pagkawala
Ang rehas ay ang galit
At ang susi lamang ay pagpapatawad
Ngunit hindi mo pa ito maibigay
Sapagkat takot kang muling masugatan
Kung hahayaan na maghilom ang pusong iniwanan
Ilang taon mo nang pinipiling hindi maging masaya
Simula nang ipakilala niya sa'yo ang pag-iisa
Ang rehas ay ang pagkawasak
At ang susi ay pagtanggap
Ngunit hindi mo 'to gustong makuha
Sapagkat takot ka, na sa iyong pagkabuo
Ay muli kang masira.
Ilang taon ka nang nasa kaniya
At ilang taon na rin akong nandito sa'yo
Naghihintay sa labas ng rehas
Sa iyong pagbukas
Na baka bukas
Ay gamitin mo na ang susi para muli kang makalabas
At nang sa wakas
Ay piliin mo nang hawakan ang aking mga kamay
Maglalakbay tayo sa kung hanggang saan ang lawak ng mundo
Ipapasyal kita sa kalawakan, at ililigtas sa gitna ng kawalan
Hindi na kita hahayaang bumalik
Magiging tahanan mo ang aking mga halik
Dito ka magpapahinga
Dahil alam ko na masyado ka niyang pinagod sa paghikbi
Bakas sa 'yong mga mata
Ang pamamaga na sanhi ng mga luha
hindi na kita hahayaang umiyak pa
Dahil sa kaniya
Sapagkat ipaparamdam ko sa'yo
Na sa piling ko, ay mas ligtas ka.
Pero habang hindi ka pa handa
Ay iintindihin kita.
'Wag kang mag-alala,
Mahal, maghihintay ako
Hanggang sa Makalaya Ka.
--
For more updates, follow me on my social media sites listed below:
FACEBOOK PAGE: / bcumla
TWITTER: / beverly_cumla
INSTAGRAM: @beverlycumla
JOIN OUR FACEBOOK GROUP AND BE PART OF THE BEVIES:
/ 11935. .
For business purposes, email me at:
beverly.cumla@gmail.com -
-
#BeverlyCumla #SpokenWord #Poetry #HugotTalk

Пікірлер: 74
@beverlycumla
@beverlycumla 4 жыл бұрын
Don’t pressure yourself. ‘Wag kang lalabas nang hindi ka handa. Maghihilom ka rin. ❤️
@sammylovevlog9255
@sammylovevlog9255 4 жыл бұрын
Relate :'(
@sammylovevlog9255
@sammylovevlog9255 4 жыл бұрын
2years ago hanngan ngaun diparin ako handa baka masaktan ako ulit :'(
@jenetartagame2407
@jenetartagame2407 4 жыл бұрын
Nakakaiyak ang hugot na ito,ang sarap mag mahal na may ganitong klaseng tao,na sa hirap ng pinag dadaanan ng mahal nya,at naghihintay syang mabuksan ang mga rehas,dito lang ako nabagbag ng kalooban,sa hugot mo Idol👏🏻👏🏻👏🏻❤❤❤sana nga magkita na sila ng mahal nya sa kuwento ng tula mo idol 😢😘👏🏻👏🏻👏🏻
@roselapuz7298
@roselapuz7298 4 жыл бұрын
Ate bevs sobrang thankyou po sa mga ginagawa nyong SWP sobrang nakatulong po saken Reliza lapuz poiyo
@andriopina7703
@andriopina7703 Жыл бұрын
Indi parin makakamit Ang tunay na kalayaan kapag Indi talaga makikila Ng tunay na lubusan Ang Panginoon na sya ay tunay na mapapalaya SA ano mang gapos Ang nakagapos SA atin God bless Po
@CarloPeros
@CarloPeros 4 жыл бұрын
Solid bawat salita sa linya Talagang nakakahalina
@jeffreybajaro5406
@jeffreybajaro5406 4 жыл бұрын
"PALIMOS" May hindi pa ba ako nagagawa? Para pansinin mo itong pusong nagwawala Araw-araw pinipilit kong kumawala Para sa pag ibig at dina masyadong lumala Palimos naman ng oras mo Kahit isang segundo lang o kaya isang minuto Gusto ko lang naman ng konting atensyon mo Gusto ko lang sabihin na mahal dito kapa rin sa puso ko Mahal palimos naman ng pagmamahal Hindi ko na alam Kung hanggang saan to magtatagal Ang pagmamahal na tila iyo ng pinagbawal Andito lang ako maghihintay kahit na matagal Mahal andito lang ako sa likod mo Kung nahihirapan ka andito lang ako makikinig sayo Pupunasan ka sa tuwing papatak ang luha mo Dahil mahal hinihintay pa rin kita dito sa aking palasyo Sayong pagbabalik hayaan mong ikay sunduin Dahil mahal ikaw at ikaw pa rin ang aking pipiliin Kaya sana mahal ako pa rin ang iyong piliin Wag mo sanang sabihin na" hindi na kita muling iibigin"
@princessala4794
@princessala4794 4 жыл бұрын
Galing galing nyo po Talaga 😍
@jadal21
@jadal21 4 жыл бұрын
Galing mo. Nman friend.. Nkakaiyak nman.. Idol n kta..
@nicojameslapore5874
@nicojameslapore5874 4 жыл бұрын
👏👏 sobrang naiinspire ako sa mga piyesa niya. And I turned out writing my own pieces😊
@jenlaypage8037
@jenlaypage8037 4 жыл бұрын
Halimaw ka po ate bevs 👏👏👏
@rpexplores16
@rpexplores16 4 жыл бұрын
ang galing galing..
@cielokcezar
@cielokcezar 3 жыл бұрын
Ang ganda po always. Ms. Bevs sinusubukan ko na ring gumawa ng tula and soon spoken poetry nman. Grabe po kayo emosyon at pyesa super ganda!
@jassygaming9389
@jassygaming9389 4 жыл бұрын
Relate much po ako.
@angelicarona5946
@angelicarona5946 3 жыл бұрын
I love This Poerty Great Video Thank you For This Video ❤️❤️😍😊👏 9/20/20 Sunday 5:53 Pm
@crudadonnajanec.7182
@crudadonnajanec.7182 4 жыл бұрын
Patagal ng patagal gumaganda ka talaga ate bevs💛💛
@shatznayramos2162
@shatznayramos2162 4 жыл бұрын
Ang gandaaaa sobraa 🥺
@allynnahpalma115
@allynnahpalma115 4 жыл бұрын
Ate Bevs, the best ka talaga. Thank you sa pag inspire. Sana gawa ka pa marami dahil madadami kang napapasaya at naiispire♥
@jullymarangga9962
@jullymarangga9962 4 жыл бұрын
Yes Ate. Totoo talaga toh... that was me nung umaasa lang pala ko sa wala, sabi niya sakin dati mag hihintay siya.. nag hihintay lang pala ko sa wala.. then takot nako mag mahal ulit pero totoo yung sinabi ni ate na may nag aabang lang sayo hanggang sa makalaya ka... then nung inopen ko yung heart ko, Kinalimutan ko lahat then chara nakilala ko na siya.. yung nag bago ng pananaw ko na hindi ako nag iisa... then baka ito yung narealize ko "HINDI LANG SIGURO TALAGA KAMI PARA SA ISA'T ISA"
@jenkiebeso5074
@jenkiebeso5074 4 жыл бұрын
Isa siyang realization na di mo dapat hahayaang nakakulong ka lang sa nakaraan sa pain na iniwan sayo ng tao kasi di yun katapusan , still may mga Tao padin na kaya at handa kang hintayin at patunayan na Mahal ka talaga🤩🤗 Thankyouuu ate bevs loveyouu po🤩🤗 keep safe po more spoken pa po💖💞
@samvillavicencio3120
@samvillavicencio3120 4 жыл бұрын
Galeng❤
@sansan5826
@sansan5826 4 жыл бұрын
Ang galing nyo Po ate😥😭
@brionbriones4959
@brionbriones4959 4 жыл бұрын
solid tagos ikaw lang inaabangan ko mag uppear sa notif k eh hehe salamat sa mga new video ingat po Godbless ❤️❤️❤️
@crisantobriones8943
@crisantobriones8943 2 жыл бұрын
Nice
@marah2022
@marah2022 4 жыл бұрын
Isang paalala nanaman, salamat. ❤️
@donatojohnelmar2098
@donatojohnelmar2098 4 жыл бұрын
Ganda ate bevz❤️
@chynnalacanaria3308
@chynnalacanaria3308 4 жыл бұрын
Thank you as my inspiration❤
@sophiataha4157
@sophiataha4157 4 жыл бұрын
❤️❤️❤️
@hannahkimchi6143
@hannahkimchi6143 4 жыл бұрын
Relate ako!! love u lods
@RedCreates
@RedCreates 4 жыл бұрын
Hello po idol. nakaka relate ako sa bawat linya ng mga tula mo. Continue to inspire others. At sana marinig din ng madaming tao ang mga gawa kong spoken word poetry balang araw. Ingat po. Godbless :)
@julianab.tenajeros2509
@julianab.tenajeros2509 4 жыл бұрын
ka-proud talaga,galinggggg 😩❤
@cajczar2427
@cajczar2427 4 жыл бұрын
Ang ganda po 😍
@lorrainneubias1384
@lorrainneubias1384 4 жыл бұрын
Thanks sa tulang Ito ate beverly😘you really inspired me♥️
@kikosdrive7137
@kikosdrive7137 4 жыл бұрын
kakalungkot
@aljamilkamsa4596
@aljamilkamsa4596 4 жыл бұрын
Your the one inspired me💓ate bevs.
@ellabandiola1715
@ellabandiola1715 4 жыл бұрын
Ate bevvv gawa ka po ng tula about sa relasyong walang kasiguradohan :
@jennyvalenzona6668
@jennyvalenzona6668 4 жыл бұрын
Please ate request ko din to
@jeffreybajaro5406
@jeffreybajaro5406 4 жыл бұрын
"Yung feeling na naghihintay ka Habang siya may hinihintay na iba Pero IKAW patuloy pa ring umaasa Na balang araw IKAW Naman ang mamahalin niya"
@frankieterrifictv
@frankieterrifictv 4 жыл бұрын
Aww baaakkkkeeettttt gannnnuuuunnnn relaaaaateee ako sooobbbbrrrraaaaa 😭😭😭😭😭
@jhiemalynronquillo4499
@jhiemalynronquillo4499 4 жыл бұрын
galing ate Beverly😍💖
@erinmargarett
@erinmargarett 4 жыл бұрын
saket namannnn po ateeee💔
@sherlynmaemendoza7427
@sherlynmaemendoza7427 4 жыл бұрын
May mga tao talagang ayaw kumawala sa pag-ibig na nafail sapagkat may katiting na pag-asa pa silanh hinahawakan na baka sakali... Baka sakaling maibabalik pa ang dati.. and that's me :)
@ajdeya4810
@ajdeya4810 4 жыл бұрын
Ate bevs, sobrang nakarelate ako 😅
@olicendana8959
@olicendana8959 4 жыл бұрын
galeng talaga ate!!! ❤❤❤
@marieltungul9505
@marieltungul9505 4 жыл бұрын
❣️
@ashleyparayno4673
@ashleyparayno4673 4 жыл бұрын
Iloveyou ate bevvv🖤
@sherlynmaemendoza7427
@sherlynmaemendoza7427 4 жыл бұрын
"Kung may kaibigan kang nakakarelate, e tag mo sila dito" Ahhhmmm should I tag myself? Hahahaha
@joylyn8226
@joylyn8226 4 жыл бұрын
Shakeeet nman😭😭😭 pwede po ba ung di naman masaket char hahahaha. ang galing nyo po tpos ang ganda pa😍
@sammylovevlog9255
@sammylovevlog9255 4 жыл бұрын
I Love Your Background :)
@mariachristinaoliviasworld7210
@mariachristinaoliviasworld7210 4 жыл бұрын
#Rylemie 🖤🖤🖤
@franche2283
@franche2283 4 жыл бұрын
ate bevs ily
@arlenemontano6887
@arlenemontano6887 4 жыл бұрын
Lumaya ka nga ngunit di pala para sa akin😢
@pamdriz7559
@pamdriz7559 4 жыл бұрын
Awtss ito talaga kailangan ko ngayon! Ty po ate😍😭
@roggieb8656
@roggieb8656 4 жыл бұрын
I think its time..
@diannedagsil4209
@diannedagsil4209 4 жыл бұрын
Introooo pa lang ang sakiiiit naaa😭😭
@anverarellano2821
@anverarellano2821 4 жыл бұрын
Ang sakit po sobra ate beverly💔
@amelscastillo
@amelscastillo 4 жыл бұрын
hindi ko alam kung bakit ako naghihintay kahit maliwanag na wala akong hinihintay, dahil ang sabi mo gusto mo ako pero mahal mo siya
@LollipopDeckz
@LollipopDeckz 4 жыл бұрын
Bakit ganun ate Bev? Halos lahat ng spoken word poetry mo po sapul na sapul sa akin huhuhuhu
@janicahopevillamor9776
@janicahopevillamor9776 4 жыл бұрын
@jenkiebeso5074
@jenkiebeso5074 4 жыл бұрын
Ate bevss bat ang sakit 😭😭 intro palang 😔
@xyraali3782
@xyraali3782 4 жыл бұрын
IdoL request akO saYo . .naG maHaL sa ML
@chelseamaefernandoaranges518
@chelseamaefernandoaranges518 4 жыл бұрын
Tagging myself 😂
@rheapsc_
@rheapsc_ 4 жыл бұрын
i tag myself, ate. :---(
@ericasolis790
@ericasolis790 4 жыл бұрын
Ate gawa ka po na ang title ay"bakit ikaw pa"
@alexkilam4892
@alexkilam4892 4 жыл бұрын
Tagos na tagos. Parang ako mismo yung taong natatakot mag bukas ng pinto😢😢😢.
@_dinahroseguirnaldo265
@_dinahroseguirnaldo265 4 жыл бұрын
Ate pa request po. Pleaseee! Sana mapansin niyo tong comment ko. Paano ba ibalik ang tiwalang minsan ng nasira? Maraming salamat po! God bless🤗❤️
@renelizacorpuz7064
@renelizacorpuz7064 4 жыл бұрын
BAT ANG SAKIT😣😭
@pilartaharleyg6457
@pilartaharleyg6457 4 жыл бұрын
Ate beverly sumulat ka nga tungkol sa aming mga LGBTQA community na nagmahal pero pinagpalit parin. Kasi sa akin po may bf ako noon na 1 year and 10 days at first ung relationship namin secret lang pero nung tumagal naopen namin sa mga family at kaibigan nya and suddenly iniwan nya parin ako kasi bumalik ung ex nya kaya nagparaya na lang ako. Ate please notice me
@markleemadriaga3993
@markleemadriaga3993 4 жыл бұрын
Pano po kung hinihintay ko yung taong sinaktan at iniwan ko na bumalik?☹
@joshuacolina6524
@joshuacolina6524 4 жыл бұрын
Ate Bevs! Call me gay pero siya parin talaga. Siya parin Mula nung iniwan Niya ako 2 years ago at sila parin nung pinalit Niya sakin 2 years ago. Siya parin talaga. I'm a teacher now pero siya parin. Graduate na siya NG education din pero sya parin. Sya parin hangang sa huli.
@RougeCeniza
@RougeCeniza 4 жыл бұрын
Hello guys, Ate Beverly Cumla ay isa sa naging inspirasyon ko sa pag susulat ng tula o spoken word poetry, kindly check my original composition too. kzfaq.info/get/bejne/ostzmsZnnJ3GaZc.html
Nang Minsan Kitang Maging Silong (Spoken Word Poetry)
7:34
beverly cumla
Рет қаралды 24 М.
FAKE ACCENTS | Stand-up Comedy by Niv Prakasam
9:08
Niv Prakasam
Рет қаралды 5 МЛН
Cat Corn?! 🙀 #cat #cute #catlover
00:54
Stocat
Рет қаралды 16 МЛН
Самый Молодой Актёр Без Оскара 😂
00:13
Глеб Рандалайнен
Рет қаралды 7 МЛН
Double Stacked Pizza @Lionfield @ChefRush
00:33
albert_cancook
Рет қаралды 74 МЛН
Happy 4th of July 😂
00:12
Alyssa's Ways
Рет қаралды 65 МЛН
Ang Pakiramdam ng Umiibig (Spoken Word Poetry) | By Beverly Cumla
5:29
PARA SAYO ANG MENSAHENG ITO | Christian Spoken Poetry
3:14
Reymart Tejada
Рет қаралды 38 М.
80 Year Olds Share Advice for Younger Self
12:22
Sprouht
Рет қаралды 1,3 МЛН
Poetry - SA PAGITAN KA NATAGPUAN by Maimai Cantillano
6:54
The Yard at 62
Рет қаралды 7 МЛН
Don't Die Before Your Death - Muniba Mazari #IronLady
38:48
Inspiring Minds
Рет қаралды 4,7 МЛН
The power of introverts | Susan Cain | TED
19:05
TED
Рет қаралды 16 МЛН
'WAG MO SIYANG SUKUAN (Spoken Word Poetry)
4:51
beverly cumla
Рет қаралды 101 М.
Wala Nang Lokohan (Spoken Word Poetry)
4:35
beverly cumla
Рет қаралды 23 М.
Hangga't Wala Ka Pa Sa Kaniya (Spoken Word Poetry)
5:00
beverly cumla
Рет қаралды 37 М.
БЕЛКА ПРОПАЛА #юмор #cat #топ
0:33
Лайки Like
Рет қаралды 760 М.
I almost vomited it all out#Short #Officer Rabbit #angel
0:36
兔子警官
Рет қаралды 10 МЛН
POV Joy and Anger's house - Inside Out 2
0:40
AmogusMan
Рет қаралды 10 МЛН
POV inside out 2 - 18
0:21
BOT CARTOON
Рет қаралды 12 МЛН