Nang Minsan Kitang Maging Silong (Spoken Word Poetry)

  Рет қаралды 24,220

beverly cumla

beverly cumla

4 жыл бұрын

#NangMinsanKitangMagingSilong #BeverlyCumlaSpokenWord
Nang Minsan Kitang Maging Silong
Ayokong nakakarinig ng kulog
Sapagkat parang nagagalit ang mundo
Parang sinisigawan ang mga taong wala namang kasalanan
Ngunit wala rin namang kakayahan na takasan ang ingay nito
Dahil kahit anong takip ng ating mga palad sa ating mga pandinig
Ay patuloy pa rin nating silang naririnig
Ayokong nabubuhusan ng ulan
Sapagkat kahit ayaw mong lumuha
Ay wala kang maggagawa
Makikita ng iba na basa na ang 'yong mga mata
Kahit wala naman talaga ay ipagpipilitan nila
Dahil habang paulit-ulit mo itong pinupunasan ay mas lalo ka nilang pinaghihinalaan
Ayokong naglalakbay sa baha
Sapagkat parang nakakaramdam ako ng pagkalunod
Kahit hindi naman umabot sa aking mga tuhod
Ay nangingibabaw parin ang takot na baka malalim na parte na ang sunod
Na matakapan at dito ay hindi na makaahon
Na lumubog hanggang sa 'di na makabangon
Takot ako dating lumabas sapagkat wala akong lakas
Na harapin ang bawat bukas kung lagi't-laging umiiyak ang taas
Parang laging wakas ang laging binabakas
Kahit wala namang dahas ay parang puro ako gasgas
Sapagkat ganito ang pakiramdam kapag galit ang kalangitan
Hindi ko alam kung bakit mangingibabaw ang kahinaan
Kahit hindi naman talaga, pinaparasuhan
Ay parang nananadya nalang ang kulog, baha at ulan.
Kaya sinubukan kong tapangan
At baka dito ay hindi na nila ko pag-initan
Sinugalan ko ang bagay na ayaw kong subukan
Para matauhan ang pusong kailangan nang lumaban
At sa aking pagsugod ay nakaramdam ako ng kalayaan
Ang saya rin palang makipaglaro sa mga patak ng ulan
Ang mga kulog ay parang napakasarap nang pakinggan
Ang mga baha ay parang naging isang palaruan
Ngunit habang tumatagal ay nakaramdam ako ng lamig
Nakaramdam ako ng kulang
Na ang tuwa ay parang panandalian na lamang
Muli kong pinagmasdan ang kapaligiran
Ako lang pala mag-isa ang humahabol sa bawat buhos ng ulan
Hanggang sa 'di na kaya,
Sinubukan ko silang takasan
Ngunit wala akong mapuntahan
Kaya humiling nalang sa buwan
Na sana ay kausapin ang langit na dahan-dahan nang tumahan
Bumalik ang kaduwagan hanggang sa bigla mo 'kong pinayungan
Matagal mo na pala 'kong pinagmamasdan
At ngayon ka lang naglakas loob na ako ay lapitan
Sinabi mo, na nakita mo 'kong mag-isa
At ginusto mo 'kong iligtas sa lamig ng pag-iisa
Nilakbay nating dalawa ang kalsadang may baha
at parang hindi na'ko nakakaramdam ng takot
Sapagkat kinakapitan kita
Hindi ko inaayawan maging ang pag-ulan
Sapagkat ligtas ako sa silong ng iyong paghagkan
Kaya ko nang tiisin ang kulog
Kahit may kaunting galit na tunog
Sapagkat hindi na nagigising sa ingay
Ang puso kong para mong pinatulog
Pinakalma mo ang magulo kong mundo
At dahil sa'yo ay naging matapang ako humarap sa delubyo.
Pero 'di ko naman alam
Na may plano ka rin palang mamaalam
Sana sinabi mo nalang para 'di na manghinayang
Pinasilong mo lang pala 'ko dahil nakita mong malakas ang bagyo
Naghintay na humupa ang baha at ang kulog ay huminto
Ngunit pagkatapos pala nito ay babalik ka na sa tahanan mo.
Hindi lang pala ako ang pinayungan mo,
Bakit ba 'ko umasa na mananatili ang isang taong gusto lang naman iligtas ako
Ako nalang sana, ako nalang dapat ang nagligtas sa sarili ko.
Minsan kong inayawan ang ulan, kulog at baha
pero sa pagkakataong iyon ay ginusto kong muli silang makita
Para kahit lumuha ay hindi ito mahalata
Para kahit magalit ay hindi niya ito madinig
Para kahit tumakbo ay hindi niya maramdaman
Sapagkat ang ayoko na ngayon
Ay ang muli niyang balikan.
Kaya sa susunod na pagsugod ko sa ulan
Sisiguraduhin 'ko na may sarili na'kong masisilungan.
--
For more updates, follow me on my social media sites listed below:
FACEBOOK PAGE: / bcumla
TWITTER: / beverly_cumla
INSTAGRAM: @beverlycumla
FOLLOW OUR FAMILY AND BE PART OF THE BEVIES!
/ @officialbevies
For business purposes, email me at:
beverly.cumla@gmail.com -
-
#BeverlyCumla #SpokenWord #Poetry #HugotTalk

Пікірлер: 109
@beverlycumla
@beverlycumla 4 жыл бұрын
Hi, you are strong and you can do it on your own. ❤️
@christophergeranta7877
@christophergeranta7877 4 жыл бұрын
Maam Bev, nag DM po ako sa instagram mo. I hope mabasa mo, timely yung piyesang nagawa ko 🙂
@honeygracetopado9690
@honeygracetopado9690 4 жыл бұрын
Ang sakit po idol😭💔
@vanessasaplada6401
@vanessasaplada6401 4 жыл бұрын
Thank you 😘😭 new subscriber po😊
@edelroseduhaylongsod3601
@edelroseduhaylongsod3601 3 жыл бұрын
Yes, i will po😭😫
@hannakim4354
@hannakim4354 4 жыл бұрын
Ate Beverly pwede po na gawan nyo nang spoken poetry Ang “Sa Umpisa Lang masaya” please po💖
@JR-vp6yg
@JR-vp6yg 4 жыл бұрын
Dati ayokong masaktan. Pero ngayon hinahanap-hanap ko na yung sakit. Masarap sa pakiramdam yung may patuloy na kirot sa loob ko, sa puso ko. Di ko alam pero ganun ang pakiramdam ko. Gusto kong umiyak. Gusto kong masaktan. Nakakaadik yung sakit.
@ghenabello4191
@ghenabello4191 4 жыл бұрын
Ang bigat ang tirada .. at ang lalim .. sinusubukan qu syang intindihan .. ang ganda
@Ahsahs5706
@Ahsahs5706 4 жыл бұрын
Ate beverly talagang maganda ang mga linya mo ate bev. Gawa nman po kau PARA SA MGA TAONG DI NAKITANG TAMA pls mo ..
@saido4436
@saido4436 4 жыл бұрын
sana dumating ang araw na mapansin rin ng mundo o ng iba mga tula ko
@leojaydelarama4428
@leojaydelarama4428 4 жыл бұрын
Galing mo po relate na relate ako
@MariaReyes-jj3wg
@MariaReyes-jj3wg 4 жыл бұрын
Ate beverly gawa ka naman ng tulang about po sa taong laging option lang. ❤
@rhemrhemzhuerte5640
@rhemrhemzhuerte5640 4 жыл бұрын
👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏 graveh whewwww.....
@josephvertudez6063
@josephvertudez6063 3 жыл бұрын
Napakaganda, ang galing mo ate veb. Sobrang ramdam ko yUKng kwento. Regine M. Maravilla, sana mapanuod mo to.
@mariavirginia4648
@mariavirginia4648 4 жыл бұрын
Kaya natin 'to
@christianochea315
@christianochea315 4 жыл бұрын
mapapa-sana ol nalang ako
@lexracarrizerivera6591
@lexracarrizerivera6591 3 жыл бұрын
"Pero di ko naman alam na may plano ka rin palang magpaalam".
@auroradineros1245
@auroradineros1245 4 жыл бұрын
Ansakit pero marami akong natutunan .
@jovaniediniay7984
@jovaniediniay7984 4 жыл бұрын
Wow.
@jeromejorge9014
@jeromejorge9014 4 жыл бұрын
Napaka GANDA po. ♥️♥️♥️
@markjohnbocateja4132
@markjohnbocateja4132 4 жыл бұрын
Grabe ang sakit Hehehe
@unknownhehe248
@unknownhehe248 3 жыл бұрын
i love u ate bev
@michelleguno7494
@michelleguno7494 3 жыл бұрын
Galing😊😊😊😊
@jenuaysalcantara8190
@jenuaysalcantara8190 4 жыл бұрын
TATAYO AKO AT LALABAN hindi mo na ko makikitang pang dumadanas ng kalungkutan at kasawian at kapighatian At pag nag krus ang landas natin sa maling panahon at pagkakataon Nakahanda na ko ipakita sayo na ang mundong naging inspirasyon ko simula nung iniwan mo ko😊
@sergelyngonzales1056
@sergelyngonzales1056 4 жыл бұрын
Ang ganda😍😍😍
@marah2022
@marah2022 4 жыл бұрын
Muli mo nanamang minulat ang aking mga mata. Binigyan ng panibagong salita na naging gamot sa puso kong puro sugat na. Salamat sa paalala. ♥️☺️
@mykakimbanaag9810
@mykakimbanaag9810 3 жыл бұрын
Galing sana ako den pp kaya ko mag punlished
@elronddevera9114
@elronddevera9114 4 жыл бұрын
Relate ako ate bevs❤ galing mo talaga ate❤❤
@angelosantos2092
@angelosantos2092 4 жыл бұрын
Galing! 😍
@irishclairemarbibi1960
@irishclairemarbibi1960 4 жыл бұрын
Haysss ang galing mo talaga ate bevs😍❤
@adamolina328
@adamolina328 4 жыл бұрын
I really love your poem's
@kimverlymanzanilla1373
@kimverlymanzanilla1373 4 жыл бұрын
Napakahusayyy mo ate beverly💗
@cabusoraerica
@cabusoraerica 4 жыл бұрын
Sobrang sakit, yan din yubg pina ranas niya sakin tapos iiwan lang pala ako
@Dreamer_1212
@Dreamer_1212 4 жыл бұрын
Na feel ko yong emotion ni ate bev, ang galing talaga 👏💯
@justinebundaog9988
@justinebundaog9988 4 жыл бұрын
Ang galing mo talaga ate bevsss keep it up po ate bevsss❣️😘
@nikikaysvlogs6538
@nikikaysvlogs6538 4 жыл бұрын
Beverly Cumla I love you salamat sa Mga spoken word mo. Idol😍
@arlonalejo3199
@arlonalejo3199 4 жыл бұрын
Ang galing tlaga ate bevs😍😌 awwwww ang ganda lang ang lins😍
@syra637
@syra637 4 жыл бұрын
galing Naman ate Bev's♥️ Kahet Sobrang Lalim naiintindihan Pa den😍
@jayzpcaj6928
@jayzpcaj6928 4 жыл бұрын
Love it ate dami ko po natutunan
@janealivio5660
@janealivio5660 4 жыл бұрын
Ang cute ng dimples nyo😍
@sarahstories9961
@sarahstories9961 4 жыл бұрын
I love You Ate Bev ❤ Thank You for sharing your talent ❤🥰
@mariellecruz142
@mariellecruz142 4 жыл бұрын
Once na nagupload ka ate click agad ako then kuha ng earphoneeeee para ramdam😍❤
@gaguievangeline3271
@gaguievangeline3271 4 жыл бұрын
ang galing talaga!!!!!😭💙💙💙
@joannecariaga3448
@joannecariaga3448 4 жыл бұрын
Ouch saklap. Tagos ate beverly
@liezzelleyva6687
@liezzelleyva6687 4 жыл бұрын
Napakaganda po ng mga tulang ginagawa nyo po.
@annakristinabumagat5076
@annakristinabumagat5076 4 жыл бұрын
Napakagandang piyesa 😍 tagos sa pusooo 😭
@akirakillua
@akirakillua 4 жыл бұрын
Hnd lhat ng tao darating sa buhay mo ay habambuhay mananatili.. Ung iba dumaan lng pra bgyan ka ng aral. Aral kung panu humakbang sa lugar na kung saan ka naiwan.. Prang bata natututong lumakad dahan dahan at kpag nasanay na magugulat k nlang ung umaalaly sau wla na. Hahaha nice i feel you bev. More power ingat and God Bless. 😊😀☺
@edelroseduhaylongsod3601
@edelroseduhaylongsod3601 3 жыл бұрын
Ang bigat po ng mensahe😭
@ericasolis790
@ericasolis790 4 жыл бұрын
Sobrang proud po ako sa ate u r strong 💪 at lagi akong nanunuod ng mga videos mo
@jonalyngregorio8813
@jonalyngregorio8813 4 жыл бұрын
notif squad❣️
@alquisaguiabel7539
@alquisaguiabel7539 4 жыл бұрын
Simula umpisa, hanggang ngayon walang kupas. Napakahusay mo ateeee!
@katpragedes7309
@katpragedes7309 4 жыл бұрын
Ms. Bev bakit gnun sobrang sakit nito. Nakarelate PO ako. Sana marami pa pong kasunod kagaling ipagpatuloy mo PO marami p ma inspire sa mga piesa na iyong likha. Sobrang galing lalo na sa pah deliver NG mga salita.
@davecameros7044
@davecameros7044 4 жыл бұрын
bigat nito tumatama sa akin bawat linya huhu
@peppapig-nm3sw
@peppapig-nm3sw 4 жыл бұрын
Ateeee gawa ka naman po spoken poetry sa dalawang tao na need na mag let go kahit ayaw pa nila pareho ☹
@mitchyartiaga7313
@mitchyartiaga7313 4 жыл бұрын
It all make sense every word huhuhuhu subrang tagos :(
@user-iw7wj6dz9c
@user-iw7wj6dz9c 4 жыл бұрын
sinisigaw talaga ng tulang to ang self love mga teh huhu ang galing!!!! 🥺💗
@johnlerycalvario258
@johnlerycalvario258 4 жыл бұрын
you inspired me alot ate❤️
@rejelynalzona1098
@rejelynalzona1098 4 жыл бұрын
oh my god...relate so much😭😢😢..feeling ko kwento ko toh😭😭
@sheenemendoza8963
@sheenemendoza8963 4 жыл бұрын
#goosebumps
@faithcelomanimtim5556
@faithcelomanimtim5556 4 жыл бұрын
Hindi ako broken pero ang sakit huhu
@gailerica
@gailerica 4 жыл бұрын
Ate bevs saludo ako sayo, ang ganda ng pyesa mo ateee. God bless youu po keep it up! 😇
@jovietiamzon1997
@jovietiamzon1997 4 жыл бұрын
Ate?miss kuna po mga spoken mupo hehhe🥺 actually po napanood kuna po lahat ng video mo po hehe inspirasyon po kita ate hehe 💖
@kylevaleroso5879
@kylevaleroso5879 4 жыл бұрын
ASTIIGGG! IBA KA ATE BEVSSS
@jennyvalenzona6668
@jennyvalenzona6668 4 жыл бұрын
Ate Bevz , gawa ka po ng Tula na Hindi Kayo pero parang Kayo. Gusto ko pong maklarohan sa nararamdaman ko ate . Lage nyang sinasabi na my patutunguhan din do after all magiging tayo Rin. Dapat ba ako umasa sa mga salita galing sa bibig nya ate Bevz?
@hannahkimchi6143
@hannahkimchi6143 4 жыл бұрын
napaka husay ate Bevs!! sana po gumawa kayo ng tula para sa “ Muntikan na maging tayo “ o kaya naman para sa mga nag ka salisihan ang pag-iibigan.
@pingmagzxx819
@pingmagzxx819 4 жыл бұрын
Yeheeeeey❤
@carathaesebongs4993
@carathaesebongs4993 4 жыл бұрын
💖💖💖
@shannahallyzachica9946
@shannahallyzachica9946 4 жыл бұрын
Relateee na relateee ak atee bevssss thank you so muchhhh sobrang dami kong narealizeddddd😢❤️ Nanuod po ako sa fb tapos same comment 😢❤️ nag tweet po ako sobrang relateee talagaa po ako sobrang takot pp talaga akong sumubok ulit tapos sobrang mabilis po akong maattach thank youuu ate bevvvvvv
@markjohnbocateja4132
@markjohnbocateja4132 4 жыл бұрын
Pa Shout out Idol
@arviecolo6579
@arviecolo6579 2 жыл бұрын
❤️❤️❤️
@cheskalcntr
@cheskalcntr 4 жыл бұрын
First
@auroradineros1245
@auroradineros1245 4 жыл бұрын
Thaaaaankyouuuuu ate bevs❤️
@rheya5720
@rheya5720 4 жыл бұрын
Galing ate bevs, sana gumawa po kau ng tula na "bakit ngayon ka lang" Ung tipong nasa isang relasyon kapa pero nagmahal ka ng iba, hindi mo magawang ipaglaban ang pagmamahal na yun ksi alam mong mali😭
@josephvertudez6063
@josephvertudez6063 3 жыл бұрын
Sana nga meron din ganyan.
@dominicaspoen7836
@dominicaspoen7836 4 жыл бұрын
😍😍😍
@jehm3751
@jehm3751 4 жыл бұрын
FAVEEE!!!!! 😭
@kristalsonza4616
@kristalsonza4616 4 жыл бұрын
💙❤
@burningaxelplays6362
@burningaxelplays6362 4 жыл бұрын
Ano po ba ginawa namin sayuuu atee beverly?? hahahaha chaaraattt jokee lang poo .... ang sakit kasi tinamaan ako nang sobraa huhuhuhuhuhuhuh
@sophiataha4157
@sophiataha4157 4 жыл бұрын
👏❤️
@cheorindelacruz
@cheorindelacruz 4 жыл бұрын
Uwuuuu, is this meeeeee
@princessdiannea.alburan9418
@princessdiannea.alburan9418 4 жыл бұрын
Hiii ate bev!😍💕
@LianneMarieTrias
@LianneMarieTrias 3 жыл бұрын
Relatable
@shaniapadit4364
@shaniapadit4364 4 жыл бұрын
I remember my inverted joker card because of this poem
@JR-vp6yg
@JR-vp6yg 4 жыл бұрын
💖💖🔥
@gerbertayson1656
@gerbertayson1656 2 жыл бұрын
Heartbroken ka ba nung panahonnayun mam...tindi ng emosyon
@triciamaeganabol1953
@triciamaeganabol1953 4 жыл бұрын
Pa shout out po at panotice atee:((
@ashleyhapa1823
@ashleyhapa1823 4 жыл бұрын
SOBRA NA POOOOOO :(((
@CharleneJoyTPalma
@CharleneJoyTPalma 4 жыл бұрын
SANA MANOTICE MO AKO, ATE💖 IDOL PO KITAAAAAA SOBRAAAAA💖
@trixiemanreal5558
@trixiemanreal5558 4 жыл бұрын
Pa notice te bevs. 💕💕💕💕💕💕
@yuricruzat3687
@yuricruzat3687 4 жыл бұрын
1st haha pashout out poo
@IrishCharine
@IrishCharine 4 жыл бұрын
Earlyyyy 😍😍
@angelinej.calubag1284
@angelinej.calubag1284 3 жыл бұрын
Napaiyak mo nanaman kao ate bevs :(
@niezelgracecomandante3939
@niezelgracecomandante3939 4 жыл бұрын
Hi ate gawa ka Naman Ng poem about sa dalawa Ang minahal pero Ang Isa ay bawal mahalin pagkat magkapatid sila 😭
@y.ourthoughts
@y.ourthoughts 4 жыл бұрын
Pwede po ba kayong gumawa ng spoken poetry about boy bestfriend...please
@marialeonoramagana7186
@marialeonoramagana7186 3 жыл бұрын
😢
@PauLine-eb3qx
@PauLine-eb3qx 4 жыл бұрын
Gawa ka naman po ng tungkol sa mga nawawala. Na ng oras
@lancevlogs9203
@lancevlogs9203 4 жыл бұрын
Noticeee me poooo💕
@arjheydeguzman6433
@arjheydeguzman6433 2 жыл бұрын
Ateeee peram ako ha post ko lang credits nalang po 😁
@jaymancia1034
@jaymancia1034 4 жыл бұрын
Ate gawa ka naman po ng di marunong ng salitang comeback 💔
@aisia5219
@aisia5219 4 жыл бұрын
😥
@Mae-bh4bw
@Mae-bh4bw 3 жыл бұрын
😞💖😞
@ana_ri-k9m
@ana_ri-k9m 4 жыл бұрын
Hope you make a spoken about happening right now
@elizacorpuz8858
@elizacorpuz8858 4 жыл бұрын
kzfaq.info/get/bejne/jLmflaxi1MXadJs.html 😊
@learnnfresh8016
@learnnfresh8016 4 жыл бұрын
kzfaq.info/get/bejne/Y6qAq5dlrNjemoE.html
@lexracarrizerivera6591
@lexracarrizerivera6591 3 жыл бұрын
😭
@maryjoysardan7225
@maryjoysardan7225 4 жыл бұрын
Ate beverly..pwede p0 gawa ka nga tula na. Tungk0l na tinatanggi ka na kasintahan ka.!!😥
@shielaenchanted754
@shielaenchanted754 2 жыл бұрын
Apakagaling 💚 Payakap guys, it will be a huge help.
Hangga't Wala Ka Pa Sa Kaniya (Spoken Word Poetry)
5:00
beverly cumla
Рет қаралды 37 М.
Hindi Tayo Pwede | Martin Naling x Beverly Cumla
3:57
Martin Naling
Рет қаралды 17 М.
Happy 4th of July 😂
00:12
Alyssa's Ways
Рет қаралды 64 МЛН
Looks realistic #tiktok
00:22
Анастасия Тарасова
Рет қаралды 104 МЛН
Llegó al techo 😱
00:37
Juan De Dios Pantoja
Рет қаралды 30 МЛН
Minsan Isang Muntikan 💔 Ampalaya Monologues 💚 Mark Ghosn 👏
5:31
Ampalaya Monologues
Рет қаралды 140 М.
Ang Pakiramdam ng Umiibig (Spoken Word Poetry) | By Beverly Cumla
5:29
LOWKEY | GENEVA | PAPA DUDUT STORIES
46:15
Papa Dudut
Рет қаралды 165 М.
Wala Nang Lokohan (Spoken Word Poetry)
4:35
beverly cumla
Рет қаралды 23 М.
Love Feels Good with DJ Anah Raj
5:36
DJ Anah Raj - Love Radio Davao
Рет қаралды 11
Para Sa: Botante (Spoken Word Poetry) | Adober Studios
3:39
Feel Good Studios
Рет қаралды 59 М.
Don't let go of dreams
14:47
Aim High Homestead
Рет қаралды 59
'WAG KANG MAPAGOD MAGMAHAL. (Spoken Word Poetry)
4:45
beverly cumla
Рет қаралды 82 М.
МАМА И УРОКИ 😂 #юмор #мама #а4
0:32
SAASHA
Рет қаралды 1,6 МЛН
The little boy had to do this || Please subscribe #ruthkadiri247 #comedy
1:01
Помог🤣#сериалы #фильмы
0:28
Кинокомбо
Рет қаралды 2,7 МЛН