'WAG MO SIYANG SUKUAN (Spoken Word Poetry)

  Рет қаралды 101,211

beverly cumla

beverly cumla

4 жыл бұрын

'Wag Mo Siyang Sukuan
Mahal ka pa niya.
Alam kong nararamdaman mo 'yun ' at nakikita
Masyado lang sigurong magulo ang utak niya ngayon
Kaya mas pinipili niya ang magtago
Mas pinipili niya ang lumayo
Pero maniwala ka,
Hindi niya gusto ang pakiramdam na hinahayaan mo siya
Dahil sa bawat pag-ayaw ay kabaliktaran ang nais nito
Ang totoo ay gusto niyang maramdaman na hindi mo siya kayang tumalikod sa 'yo
Habulin mo siya
Sa tuwing pumipiglas ay mas higpitan mo ang kapit sa kanya
'Wag mo siyang pakawalan
'Wag mong iparamdam sa kaniyang hindi siya kawalan
Yakapin mo siya
Hanggang sa maramdaman niyang hindi siya nag-iisa
Na kaya mong panindigan ang pagmamahal mo sa kaniya
Ilang beses ka man niyang takasan
Ilang beses ka man niyang ipagtabuyan
Ay 'wag kang magpapatinag
Samahan mo siya
Kahit na sinasabi niya sa'yong umalis ka na
Manatili ka,
'Wag kang magpapatalo sa luha't hiyaw niya
ikaw lang ang magpapakalma sa kaniya
Sapagkat sa pag-ibig mo siya nabaliw
Kaya't kumapit ka habang ramdam mo na mahal na mahal ka niya.
Maniwala ka,
Ikaw lang ang kailangan niya.
Hinihiling niya sa'yo ang saglit na paghinto
Sapagkat ang nais nito ay hindi ka tumakbo.
Kaya't 'wag mong hayaan na maramdaman niyang wala kang pakialam.
Sapagkat sa bawat araw ng wala kang pagpaparamdam
Ay mas tumataas ang rason para siya ay tuluyang magpaalam.
Kaya kahit hindi siya tumatawag sa'yo
Asahan mo na sa panig nito ay matagal na niyang hinihintay ang boses mo
O kahit hindi siya nagpapakita sa'yo
Ang katotohan ay matagal na niyang hinihintay ang pagdating mo
Gumawa ka ng paraan para malaman niyang nanatili ka pa ring nandiyan
'Wag mong hintayin na hindi ka niya hanapin.
'Wag mo siyang sanayin at baka hindi ka na niya isipin.
'Wag mo lang siyang bigyan ng halaga,
Bagkus ay iparamdam mo 'yun sa kaniya.
Dahil kahit sinusubukan niya ang kalimutan ka muna
Maniwala ka, hindi 'yun madali para sa kaniya.
--
Be part of the Bevies:
FACEBOOK GROUP:
/ 11935. .
USAP TAYO, BISITAHIN MO 'KO DITO:
FACEBOOK PAGE: / bcumla
TWITTER: / beverly_cumla
INSTAGRAM: @beverlycumla
SUNDAN ANG ATING PAMILYA.
/ @officialbevies
PARA SA MGA USAPANG TRABAHO:
beverly.cumla@gmail.com -
-
#BeverlyCumla #SpokenWord #Poetry #HugotTalk

Пікірлер: 258
@beverlycumla
@beverlycumla 4 жыл бұрын
Nakakatatlong araw na tayo, salamat sa mga nagaabang! ❤️
@trishamaelacaba8326
@trishamaelacaba8326 4 жыл бұрын
Always po akong nanonood ng video mo ate bevs😊 actually nakagawa po ako ng sarili kong spoken poetry kagabi .. sana mashare ko yun sayo 😊😊
@stephaniecalimbo3699
@stephaniecalimbo3699 4 жыл бұрын
Yea, relate po talaga ate bevsss, napakagaling nyo po talagaa, heheheh. Yung akala nila na wala na tayong pake pero gusto pa talaga natin silang mag-stay🥰🥰
@marissevergara3514
@marissevergara3514 4 жыл бұрын
"Pinapalaya ko na yung tayo" By: Marisse B. Vergara Pinapalaya ko na yung ikaw, Yung ikaw na gustong wala ng ako. Pinapalaya ko na yung ikaw,Yung ikaw na masaya ng kahit wala na yung ako.Yung ikaw na gustong maging malaya sa isang magulong usapan. Yung ikaw na hindi tumupad sa mga salitang pinaniwalaan ko,Yung ikaw na nagsabing "wag mong pigilan, hayaan mong mahulog ka. Nandito lang ako sasalo sayo"Yung ikaw na napagod sa bawat pag tatalo na walang kwenta para sayo.Yung ikaw na nagustuhan ko kahit ang g*go mo. Pinapalaya ko na yung ako, yung ako na akala ikaw na ang magiging una ko. Pinapalaya ko yung ako,Yung ako na nandyan lang para sayo.Yung ako na nagagalit pag di mo kinakausap. Yung ako na handa kang intindihin sa sitwasyon mo. Yung ako na tumaya sa mga salita mo pero natalo sa mga kinikilos mo. Yung ako na naniniwalang "taya lang ng taya, hayaan mong matalo ka. Ang mahalaga sumubok ka at sumaya ka." Yung ako na gustong gusto kang ilaban pero di pa naguumpisa ang laban talo na agad. Yung ako na walang magawa kundi intindihin na di ako pwede sa oras mo. Yung ako na gusto ka pero g*n*g* mo. Pinapalaya ko na yung tayo kasabay ng pagbabago ng taon. Pinapalaya ko na yung ikaw at ako dahil wala ng tayo. Malaya na yung tayo kahit wala naman talagang tayo. Malaya na yung tayo sa idea na merong nabuo. Malaya na yung tayo sa kasinungalingang binuo mo. Malaya na yung tayo sa mundong ginawa mo. Malaya na yung tayo kasi wala ng ikaw at ako. Sana ma notice nyo po ako😭🙏❣
@daredevil2139
@daredevil2139 4 жыл бұрын
Ate bevs, yung video mo khapon napanood na po ng friend ko bigla na lng po sya umiyak at ngayon po nanonood na sya sa mga video nyo po ... Nang dahil sayo yun ate ☺️
@marvineugenio2043
@marvineugenio2043 4 жыл бұрын
Go lang po ateeee.
@marissevergara3514
@marissevergara3514 4 жыл бұрын
"Pinapalaya ko na yung tayo" By: Marisse B. Vergara Pinapalaya ko na yung ikaw, Yung ikaw na gustong wala ng ako. Pinapalaya ko na yung ikaw,Yung ikaw na masaya ng kahit wala na yung ako.Yung ikaw na gustong maging malaya sa isang magulong usapan. Yung ikaw na hindi tumupad sa mga salitang pinaniwalaan ko,Yung ikaw na nagsabing "wag mong pigilan, hayaan mong mahulog ka. Nandito lang ako sasalo sayo"Yung ikaw na napagod sa bawat pag tatalo na walang kwenta para sayo.Yung ikaw na nagustuhan ko kahit ang g*go mo. Pinapalaya ko na yung ako, yung ako na akala ikaw na ang magiging una ko. Pinapalaya ko yung ako,Yung ako na nandyan lang para sayo.Yung ako na nagagalit pag di mo kinakausap. Yung ako na handa kang intindihin sa sitwasyon mo. Yung ako na tumaya sa mga salita mo pero natalo sa mga kinikilos mo. Yung ako na naniniwalang "taya lang ng taya, hayaan mong matalo ka. Ang mahalaga sumubok ka at sumaya ka." Yung ako na gustong gusto kang ilaban pero di pa naguumpisa ang laban talo na agad. Yung ako na walang magawa kundi intindihin na di ako pwede sa oras mo. Yung ako na gusto ka pero g*n*g* mo. Pinapalaya ko na yung tayo kasabay ng pagbabago ng taon. Pinapalaya ko na yung ikaw at ako dahil wala ng tayo. Malaya na yung tayo kahit wala naman talagang tayo. Malaya na yung tayo sa idea na merong nabuo. Malaya na yung tayo sa kasinungalingang binuo mo. Malaya na yung tayo sa mundong ginawa mo. Malaya na yung tayo kasi wala ng ikaw at ako. ATE SANA MA NOTICE NYO PO AKO😔😍
@annyoung20
@annyoung20 4 жыл бұрын
Woww...
@rhemrhemzhuerte5640
@rhemrhemzhuerte5640 4 жыл бұрын
nice din...👏👏👏
@jenielyncastro
@jenielyncastro 4 жыл бұрын
Woahhh galing
@Kagura.ko122
@Kagura.ko122 4 жыл бұрын
Sana i video niya to
@saikheeyurishane7533
@saikheeyurishane7533 4 жыл бұрын
copy ko..
@ellenmaedagami9450
@ellenmaedagami9450 4 жыл бұрын
When ate bev said "Hindi lahat ng taong pinapalayo kayo, ay gusto talaga kayong lumayo, minsan ginagawa lang nila yon para maramadaman na kaya niyo ba talaga na wala sila" I really felt that 😔
@erwincomida1613
@erwincomida1613 4 жыл бұрын
LARUANG PUSO ni: Whin Sa mga larong pinoy Ano ang paborito nyo? Ako? lahat yan ayaw ko Ayoko di dahil sa ako ang taya Ayoko di dahil sa madalas akong madaya Ayoko DAHIL sa, madalasa akong nadarapa't nasasaktan Madapa ng isa, dalawa, tatlo....ang tanga ko! Ang tanga ko at nasasaktan ako OO, nasasaktan ako Yung mga masasayang larong pambata Sinasaktan at dinudurog ang puso ko Yung tipong, tagu-taguan maliwanag ang buwan, Wala sa likod, wala sa harap PAgkabilang ko ng tatlo...isa, dalawa, tatlo May hinahabol ng iba ang mahal ko Ay hindi, mali, MALI ako... habulan pala ang larong ito Ako ulit ang taya Hahabulin kita Hahabulin kit, pero mahal, ba't hinahabol mo sya? At ng maabutan mo niyakap mo pa? Napagod ka? napagod ka kaya't niyakap mo sya, Kayat sabi mo "The Boat Is Sinking" na lang pala Oh sige, madali akong kausap "Group yourselves into two" Total dalawa na lang din naman kayo Alangan namang makisawsaw pa ako "Sawsaw suka,MAHULI taya,MAHULI taya" oh, ba't ganon nahuli naman kita na may kayakap ng iba Pero bakit ako pa ang mali sa ating dalawa Ako pa ang nakisawsaw sa relasyon nyong dalawa Sorry ha,SORRY kung nasasaktan na ako Na para bang tinutusok ng kutsilyo ang puso kung ito Pero hindi, kahit masakitmaglalaro parin tayo "penpen de sarapen, de kutsilyo, de almasen" "ouch,OUCH! ang puso ko nasasaktan" "panyong pula IPIRING sa mata" Oo, ipiring sa mata, para di ko na makita kung paano ka maging masaya sa piling ng iba At oo, maging masaya ka na dahil pinapalaya na kita Pinapalaya na kita, di dahil di ka mahalaga Pinapalaya na kita, di dahilmasaya ka na sa piling nya Dahil kung maya natutunan man akong isang bagay sa mga larong ito Yun ay ang pahalagahan mo ang PUSO mo Bago mo pahalagahan ang PUSO ng ibang tao Mapagod man ito sa laro ng buhay mo Mananatili parin itong buo, kasi MAHAL MO ANG SARILI MO. Pa notice po😍😍😍😍 thank you
@ateac3184
@ateac3184 4 жыл бұрын
Yung sanay ka ng naiiwan simulat sapul kaya hindi ka na takot na maiwan ulit 😊💔
@johnlouiesenal4335
@johnlouiesenal4335 4 жыл бұрын
Karamihan sa gumagawa nito ito ung mga taong nagpaparaya na lng kahit masakit.. . Kahit sabihin na umalis kana pero ikaw lang talaga ang mahal niya 😯🙁😓😌
@shiellamemavlog2437
@shiellamemavlog2437 4 жыл бұрын
Yes ate bev.. Akong ako yang tinutukoy mo. Minsang magulo yung isipan ko at pinili Kong lumayo sa mahal ko until such time na sinabi ko sa kanya nasasaktan ako at naalala ko yung sakit na naidulit nya tuwing nakikita ko siya. Then after nun Di man siya sumuyu bagkus siya pa ang Di nagpakita. Yung hinahanap mo lang na sana suyuin ka nya at iparamdam yung sinasabi nyang mahalaga ako sakanya. Pero sayang, hanggang sa ako na yung bumitaw. I hope nakausap kita at bev, may gawa akong peace na sana mabasa mo. Inaabangan ko lagi mga video mo. 😍💖
@michelcagampang4660
@michelcagampang4660 3 жыл бұрын
Good i love it❤️❤️👍 makarelated pa more
@kimberlyacilo4605
@kimberlyacilo4605 4 жыл бұрын
"Sapagkat sa bawat araw ng wala kang pagpaparamdam Ay mas tumataas ang rason para sya ay tuluyang magpaalam" 😔
@memeganzan6197
@memeganzan6197 3 жыл бұрын
Talagang tagos sa puso mo ang poem tamang tama ako ang natatamaan maraming salamat god bless ♥️🥀♥️
@rjsanogal9769
@rjsanogal9769 4 жыл бұрын
D lahat ng pinapalayu ai mahal ka.. pina palayu ka dahil may mhal na syang katrabahu nya..
@cindychen7084
@cindychen7084 4 жыл бұрын
this made me cryyyy. he keep me pushing away, to let him go. kase ayaw na nyang nakikita akong nasasaktan ng dahil sa kanya. 😔 but he didn't know that despite of his worst attitude i love him that much and hindi ako sumusuko. ramdam na ramdam ko pang mahal na mahal niya ako, maybe his confused rn. hayssss relate na relate po ako 😭
@kgarthur9078
@kgarthur9078 4 жыл бұрын
Kaya pala after nya akong palayuin ay kinamusta nya pa ako sa tropa ko. Maling-mali na nilayuan ko sya tulad ng inutos nya. Thanks for this kind of motivational spoken poetry. Thanks Ms. Beverly. I felt relieve 🙂
@jepoy2965
@jepoy2965 4 жыл бұрын
"wag mong iparamdam na hndi siya kawalan" 💔💔☹️ I felt that ☹️💔
@BlytheTV
@BlytheTV 4 жыл бұрын
Hindi lang masakit, sobrang sakit. Yung tipong napapaisip ka nalang bigla kung minahal ka ba niya talaga sa loob ng tatlong taon ninyong pagsasama dahil humingi lang naman ako ng kaunting oras para sarili ko naman muna ang unahin ko pero pangako babalikan kita. Pag naayos ko na lahat ng aking problema. Pero isang buwan lang ang nakalipas may bagong naumpisahan kana. Kaya mag ingat ka, mahalin mo siya at maraming salamat sa tatlong taon at limang buwan na saya, kilig at kalungkutan na ating pinagsaluhan. - Alam kong palagi kang nanunuod sa mga video ni miss Beverly Cumla at nagbabasa ng mga comments.hihihi - Hindi kita makakalimutan ika nga nila first love never dies. Pero sa susunod na magkrus man ang ating landas ay ikaw parin naman ang mamahalin ko. Paalam, mahal kita sobra - LJay.
@ivyveloz3119
@ivyveloz3119 4 жыл бұрын
Hinding hindi kita susukuan mahal kahit minsan tinataboy muna ako💕💕 mahal na mahal kita💕💕
@ryellezxanderrosales2021
@ryellezxanderrosales2021 4 жыл бұрын
Salamat po binigyan mo pa po ako ng chance para mag stay sakanya i hope naman pong totoo ung nasa Tula or sa Poetry na ginawa mo po Hinding hindi po ako susuko saknya. Salamat po ng marami pinatibay nyo pa po ung Loob ko :))
@johnlouiesenal4335
@johnlouiesenal4335 4 жыл бұрын
Ang hirap palayain ang taong mahal mo pa. .. pero kailangan
@anjoencontro3663
@anjoencontro3663 4 жыл бұрын
👍🏼👍🏼 "kahit na cnabi nya saung umalis ka na, manatili ka."
@aineparreno7063
@aineparreno7063 4 жыл бұрын
Ramdam ko to..eto nangyayari sakin ngayon.. Yan din sinasabi nya sakin ngayon..tagos sa puso.sapul na sapul sa sitwasyon ko ngayon😭
@maleahgalas6078
@maleahgalas6078 4 жыл бұрын
Grabe sobrang ganda nito.
@juliusbitangcor
@juliusbitangcor 4 жыл бұрын
Salamat subrang relate ako .. Mas lalo lumakas loob ko para ipaglaban sya kahit tinutulak nya ako palayo.. Ramdam ko naman na mahal nya pa ako..
@shienafaithfabila8938
@shienafaithfabila8938 4 жыл бұрын
Sana nga ate bev. Sana nga yun tlga ang nararamdaman nya.
@hhsjsjs6679
@hhsjsjs6679 4 жыл бұрын
Intro pa lang naiiyak na ako. Ansaket atehh. Kaso nga Lang mas pinili Kong bumitaw. Napapagod rin kasi ako na ako na lang lagi kumikilos
@xtian27millave17
@xtian27millave17 3 жыл бұрын
kung minsan kailangan talagang magtalo para sa ikabubuti ng lahat
@adrian.zayniel08
@adrian.zayniel08 3 жыл бұрын
"Hindi lahat ng taong pinapalayo kayo, ay gusto talaga kayong lumayo, minsan ginagawa lang nila yon para maramadaman na kaya niyo ba talaga na wala sila" eto talaga ung usto kong ipaintindi don e ahahahhahaha, hindi porket pinapaalis ka ayaw na. kabaligtaran talaga lahat ng mga lumalabas sa bibig ko na ibig sabihin magstay ka at wag sukuan ung tao. too late na ate bevs umalis na e hahahahahaha. grabeee solid toh ate!!! kahit matagal na toh ibang klase talaga:'((((((
@annejujinie6314
@annejujinie6314 4 жыл бұрын
Bakit tagos sa aking nararamdaman ngayon? 😭 thankyou for this ate!❤
@jelinapejer430
@jelinapejer430 3 жыл бұрын
Sana ganito sya. Wag mokong sukuan. Please judino. 😭
@jetterkanepenamora8434
@jetterkanepenamora8434 4 жыл бұрын
Grab nmn po tamang tama nanaman
@ethereal1820
@ethereal1820 4 жыл бұрын
Finally I found the spoken poetry na makakabigay na advice saken, saktong sakto sa pag upload tamang tama talaga ako. Muntik nakong mawalan ng pag-asa but then I heard this poetry that makes me realize all. Thanks and I love it.
@jitjitvelarde5256
@jitjitvelarde5256 4 жыл бұрын
Ito ngayon ang nararamdaman ko😔 Laban ako para sa kanya .. thank ate ❤❤
@monticalborolan3838
@monticalborolan3838 4 жыл бұрын
Ang ganda sapol sa puso
@stephanieb5854
@stephanieb5854 4 жыл бұрын
True ate ❤ Tagal kuna gusto marinig na may gumawang spoken poetry na ganyan 😍😍 Thank you .
@daisyleguiran3672
@daisyleguiran3672 4 жыл бұрын
Ang sakit...sakit na dito ko po maririnig ung mga katagang..ayaw ko marinig na nag papabalik ng sakit,, dahil tugma sa nararamdaman ko.ngunit pilit ka tinutulak at ang hulih niang sabih...wag kang maging "TANGA".at ung salita na un ang pumukaw sakin...na tama na..ako nlang pala ang lumalaban.. ako nlang pala ang nag lalakad na mag isah. hanggang sa nakitah ko na sarilih ko.masakit mag makaawa.mamalimus ng oras atention..hinde ko alam may bago ba. oh ayaw nia na.
@marygaas8673
@marygaas8673 4 жыл бұрын
Mas lalo lang po ako humanga sa inyo ate bev 💖
@Madsregalia13
@Madsregalia13 4 жыл бұрын
Ang ganda talaga ng poem😭😭😭😭 damang dama talaga.
@iscaspiring2092
@iscaspiring2092 4 жыл бұрын
WHAAAAAHHHH ate Bev bat ganya. Ka grrr... Loveyou always.♥
@crushco.3513
@crushco.3513 4 жыл бұрын
Ate 😭😭😭 you made me cry sobrang tagos nman nito. ate lagi ko na siyang hinahabol.
@glorelynbalbuena4413
@glorelynbalbuena4413 4 жыл бұрын
Andami kong narealize sa mga Tula moooo yung mga sagot na gusto ko Yung Tula mo yung sumagot nalinawan ako sa feeling na Meron ako duon sa taong gusto ako.
@aldrinescota1544
@aldrinescota1544 4 жыл бұрын
Inspiring, thank you po
@juspenthejust5181
@juspenthejust5181 4 жыл бұрын
Ito po yung sagot ko "Ayaw kita'ng sukuan" Mahal pa kita, Alam ko'ng ramdam mo yun at nakikita Masyado'ng magulo lang siguro ang iyong utak ngayon, Kaya mas pinipili mo'ng magtago at lumayo. Pero alam ko'ng, hindi mo rin gusto ang pakiramdam na hinahayaan kita at sa bawat pag-ayaw mo ay kabaliktaran ang nais mo. Alam kong gusto mo'ng maramdaman ko'ng hindi ko kayang tumalikod sa'yo, wala naman talaga akong plano. Hahabulin kita, sa tuwing lumuluwag ang iyong kapit ay hahawakan kita ng mahigpit, Hindi kita papakawalan, Hindi kailanma'y naisip ko'ng hindi ka kawalan dahil labis kita'ng mahal. Yayakapin kita, Hangga'ng sa maramdaman mo'ng hindi ka nag-iisa At kaya ko'ng panindigan ang aking pagmamahal. Ilang beses mo man ako'ng takasan, Ilang beses mo man akong ipagtabuyan, Ay hindi ako magpapatinag Sasamahan kita, Kahit sabihin mo ma'ng umalis ka na Ako'y mananatili pa Hindi ako magpapatinag sa mga luha't hiyaw mo Kahit hindi man ako ang magpapakalma sa'yo Sapagkat sa pag-ibig ko kita papakalmahin Kaya't mananatili ako hangga't ramdam ko'ng ako'y iyong mahal parin. Hinihiling mo ang saglit na paghinto, Sapagkat ang nais mo'y wag ako'ng tumakbo. Wag mo'ng isiping akoy walang pakialam, Sapagkat sa bawat araw na ako'y walang paramdam, natatakot ako dahil dun tumataas ang rasun para ikaw ay tuluyan nang mamaalam. Kaya sa bawat minutong hindi ka sa akin tumatawag at nagpaparamdan, Ay bawat segundo din ako'ng naghihintay marinig ang boses mo kaya inunahan na kita mahal. Hindi ka man nagpapakita sa akin o kahit ayaw mo man akong makita, Gagawa ako ng paraan para makita mo'ng ako'y nananatili parin. Sanay man ako'ng iyong ipagtabuyan, ay hindi ko sa iyo yun ipaparamdam Pasensya kung minsa'y hindi ko napaparamdam na ika'y mahalaga, Ang totoo'y nanghihinayang ako na hindi ko yun naipakita. Alam ko'ng hindi rin madali sa iyo 'to, Pero hindi pa huli ang lahat para ipakita at ipaparamdam ko'ng nandito lang ako. Wag ka lang ding lumayo.
@franzvillarias6905
@franzvillarias6905 4 жыл бұрын
Pahiram po pwede po?
@missgiab
@missgiab 4 жыл бұрын
may choice na ako salamat dito sa spoken word poetry ni ate bevs❤️
@jhonreiisayas4286
@jhonreiisayas4286 4 жыл бұрын
galing idol ko talaga 😙💖
@fesaritannmariefaithf.8356
@fesaritannmariefaithf.8356 4 жыл бұрын
Naka relate po ako ate Bev sa mga spoken poetry mo ganyan din mga nararamdaman ko nun at ngayon😭
@julie-anncanonero3552
@julie-anncanonero3552 4 жыл бұрын
Ate Beverly napaiyak ako ng sobra sa piyesa mo na to actually ito ung sitwasyon ko ngaun 💔😓😓😓 salamat sa magagandang salita na nagbigay sakin ng dahilan para timbangin lahat keep it up idol❤️🤧
@cyrllcampos342
@cyrllcampos342 3 жыл бұрын
Kahit sinusubukan niya na kalimutan ka maniwala ka hindi yun madali para sakanya😢 Hope all
@sheg5145
@sheg5145 4 жыл бұрын
Bat napaka legit huhu😢💔
@stellaforyoutubeofficialac4150
@stellaforyoutubeofficialac4150 4 жыл бұрын
Nakakaadik makinig nito huhuhuhu thank you po ate.
@pisqueraangel2287
@pisqueraangel2287 4 жыл бұрын
ANG GALING POOOOO
@xandramarie5788
@xandramarie5788 4 жыл бұрын
"Wag mong hayaang maramdaman nya na wala kang pakealam sapagkat sa bawat araw na wala kang pagpaparamdam ay mas tumataas ang rason na sya ay tuluyan ng magpaalam" ate biv please tell this line to my boyfriend. He really need to hear this. 😔💔
@rtj3channel488
@rtj3channel488 4 жыл бұрын
Tagos sa puso 😢❤️
@desarganda2715
@desarganda2715 4 жыл бұрын
nananatili ka paring nandyan 😢
@benedicklibedjr.5755
@benedicklibedjr.5755 3 жыл бұрын
😭😭😭thank you sa mensahe ate
@alphagwaynalvaro7612
@alphagwaynalvaro7612 4 жыл бұрын
Hindi ko siya sinukuan, siya yung sumuko.
@angeledevenadera
@angeledevenadera 4 жыл бұрын
sakit nito ate bev relate na relate ako nito😢
@rheejinealferez9510
@rheejinealferez9510 4 жыл бұрын
Iloveyou ate beverlyyyyyyy, andami kong narerealize sa mga gawa mong spoken poetry sml💛
@lykalavarias5156
@lykalavarias5156 4 жыл бұрын
para humabol. ❤️✊🏻 imy nay!!! 💜
@jeshelorocay3044
@jeshelorocay3044 4 жыл бұрын
Ate Bevs gawa ka about sa mga atleta naman 😊 kasi grabe yung karangalan yung na ibibigay nila sa bansa natin ngayo 🙂
@MacalinaoTv
@MacalinaoTv 4 жыл бұрын
Wag mong sukuan kung kaya pa, kumapit kung pwedeng ipilit, pero bitaw na kung laging paasa...
@toffermaranan1742
@toffermaranan1742 4 жыл бұрын
Bigla nalang tumulo yung luha ko kainis😭
@jovinmegabung7569
@jovinmegabung7569 4 жыл бұрын
Relate po aq..tama ka po.
@riririen
@riririen 4 жыл бұрын
sobrang inspiration kita ate bevs 🥺🥺ang saket lahat ng tula mo may tama po JAMBOHAKDOG :’))))
@adrian.zayniel08
@adrian.zayniel08 3 жыл бұрын
"Sa tuwing pumipiglas ay higpitan mo ang kapit sakanya, wag mo siyang pakawalan" "Wag mong iparamdam sakanya na hindi siya kawalan, yakapin mo siya." grabeeeeee ung pagatake ate bevsss:'(((((
@geraldkillip7173
@geraldkillip7173 4 жыл бұрын
@adrianrenzcaluma6405
@adrianrenzcaluma6405 4 жыл бұрын
"hinihiling nya sayo ang saglit na paghinto" 😢😢
@zoeybarrientos8727
@zoeybarrientos8727 4 жыл бұрын
Perfect kasi hnd kami mg ka intindihan ng jowa ko ngaun kc gusto nya ng space.😭 at binigay ko nmn yun sa kanya. Ayaw ko nmn syang gapusin gusto ko malaya sya kahit subrang sakit😢💔Salamat kc ngaun may lakas ako ng loob nsabhin lahat ng nararamdaman ko d2 sa dibdib ko🙏
@jay-ardelrosario702
@jay-ardelrosario702 4 жыл бұрын
Walang Payak Na Pag-Ibig Mahal na alala mo paba yung araw na ni YAKAP mo ako, Habang sinasambit ng iyong labi na ang pag-ibig mo sa akin ay PAYAK, Mula noong araw na ito ay minahal nadin kita at parating mag kasabay na ang ating mga YAPAK. Pero bakit ganun pag lipas lang ng ilang buwan ang lahat ay biglang ng bago, Dahil parati-rati ikaw ang gumagamot ng sugat ko- ngayon ikaw na ang dahilan ng pagkakaroon ko ng PASA sa katawan, Kaya't pinipilit mag kubli sa mga ASAP na nakikita upang masabi na ang aking luha ay hindi makatotohanan. Nag aabang ng pag patak ng ulan mula sa madilim na ULAP, Upang masabayan ang mga tumutulong luha sa aking mga MATA, At mga dugong PULA mula sa sugat na tinamo ko sa'yo- kaya't please lang mahal TAMA na. Nawala na yung dating ikaw kaya hindi na ako aASA PA na babalik ka, Dahil sa dami rami ng pangakong iyong binitawan walang nagkatotoo kahit isa, Mahal nasaan na yung dating ikaw na hindi PAASA. Yung dating ikaw na sumasaya basta't tayong dalawa ay mag KASAMA, Pero bakit ngayon sumasaya ka nalang kapag tayong dalawa ay na SA KAMA. Kaya ngayon babalikan ko ang unang YAKAP, At hindi na maniniwala na ang pag-ibig mo sa akin ay PAYAK At kahit kailan hindi na mag sasabay ang ating mga YAPAK, Pagagalingin ang mga PASA sa katawan Mag-lalaro ng ASAP at hahantayin itong maging ULAP, Ang pag tulo ng dugong PULA ay TAMA na, Kaya't makikita mo na ang saya sa aking mga MATA, At hindi na aASA PA na babalik ka dahil alam kong ikaw naman talaga ay PAASA, At kahit kailan hindi mo mararanasan na SA KAMA ako'y iyong makaKASAMA. -Makatang Sawi
@carimahlangiditucalan8415
@carimahlangiditucalan8415 4 жыл бұрын
Solid
@lydiahoyumpa3865
@lydiahoyumpa3865 4 жыл бұрын
BAGONG TULANG MAGPAPAIYAK NANAMAN😭
@maryannmacaranas279
@maryannmacaranas279 4 жыл бұрын
title palang relate na
@kristalsonza4616
@kristalsonza4616 4 жыл бұрын
Pinanuod koto sakanya HAHAHAHHAHA.Nagpaparinig daw ako 😂
@nathaliekane8813
@nathaliekane8813 3 жыл бұрын
i realized a lot of things! thank you ate bev u the best! ❤️
@kimberlyacilo4605
@kimberlyacilo4605 4 жыл бұрын
Ang gaganda talaga ng tula mo ate bev💜☺️
@JKDocsMedia
@JKDocsMedia 4 жыл бұрын
kzfaq.info/get/bejne/ialzfdWVl6fXj2w.html - AKALA KO IKAW NA - TAGALOG SAD LOVE STORY 2019
@KilluaZoldyck-we8gf
@KilluaZoldyck-we8gf 4 жыл бұрын
Intro mo palang sinaktan mo na agad ako
@e_cepedaaa
@e_cepedaaa 4 жыл бұрын
tagos na tagos
@princesscabaltera7504
@princesscabaltera7504 4 жыл бұрын
This made cry😭
@kylamartin6495
@kylamartin6495 4 жыл бұрын
Ngayon ko lang napakinggan to😭 ganito yung situation nmen ngayon ng boyfriend ko😭😭
@jessamaetorayno6913
@jessamaetorayno6913 4 жыл бұрын
Ito talaga yon eh ito yun eh ito yung rason eh! Ate naiyak ako 😩
@rosaleecanaleja2518
@rosaleecanaleja2518 4 жыл бұрын
Umiyakk na nmnnnn akoo dahil dtoo😭😭
@marianelasarmiento7768
@marianelasarmiento7768 4 жыл бұрын
Ito yung nararamdam ko ngayon eh💔
@jericomagsaysay3224
@jericomagsaysay3224 4 жыл бұрын
Hello po!!ang galing mo po bumitaw ng salita ..at tlgang me aral pa..sana someday mging kagaya mo rin ako😅😅kpos pa ko sa kaalaman sa poetry hehe
@rheamaealgeria1705
@rheamaealgeria1705 4 жыл бұрын
Grabeee😢😢
@jhonaisahlarobis2191
@jhonaisahlarobis2191 4 жыл бұрын
Thankyou ate! Iloveyousomuch ❤️❤️
@peekabooyt8211
@peekabooyt8211 4 жыл бұрын
Hindi ko siya sinukuan pero siya yung sumuko 😢
@emannuelgatdula9154
@emannuelgatdula9154 4 жыл бұрын
Idol, req naman po, yung spoken tungkol sa taong laging nag aadjust sa relasyon,
@annecharlainesantos3530
@annecharlainesantos3530 4 жыл бұрын
FEELING KO PARA SAKIN TOOO HAHAHAHA ❤️😭
@desarganda2715
@desarganda2715 4 жыл бұрын
ganun naman talaga eh 😢
@xdestinyl.9108
@xdestinyl.9108 4 жыл бұрын
Relate much♥️
@danielvinco4904
@danielvinco4904 4 жыл бұрын
Sobrang unfair ng mundo, tipong kahit lumalaban kapa kung susuko na sya at tinutulungan mo syang lumaban pa pero tinatanggihan na nya, wala kanang ibang rason kundi bitawan nalang din sya.
@thirdysantiago2140
@thirdysantiago2140 4 жыл бұрын
Shout poo ang ganda ng tula na itoo feel ko natatmaan ako🙁
@JKDocsMedia
@JKDocsMedia 4 жыл бұрын
kzfaq.info/get/bejne/ialzfdWVl6fXj2w.html - AKALA KO IKAW NA - TAGALOG SAD LOVE STORY 2019
@carlapena24
@carlapena24 4 жыл бұрын
Damang dama
@jhellycadizon3597
@jhellycadizon3597 4 жыл бұрын
this made me cry😭
@joshuatamayo1846
@joshuatamayo1846 4 жыл бұрын
Sana po mabasa mo ito Ate beverly request ko po sana yung "Bigyan mo ng halaga ang taong minamahal ka ng lubusan"
@minzyantala2766
@minzyantala2766 4 жыл бұрын
My Gaaaad Relate me 😢
@denisezante6740
@denisezante6740 4 жыл бұрын
Relate po . ate bevs.
@dyn_ikigai
@dyn_ikigai 4 жыл бұрын
natatamaan ako HAHAHA kaso hindi ko na ramdam na mahal ako kaya lumayo na ako🤣
@franchezkamarie2973
@franchezkamarie2973 4 жыл бұрын
Bakit naman ang sakit 😭😭😭
@gracebernardo1815
@gracebernardo1815 4 жыл бұрын
Sana nga...
@artmarange5311
@artmarange5311 4 жыл бұрын
Thank you so much.😊
@maricardeborja954
@maricardeborja954 4 жыл бұрын
saktong sakto e 😭🌻
Nang Minsan Kitang Maging Silong (Spoken Word Poetry)
7:34
beverly cumla
Рет қаралды 24 М.
'WAG KANG MAPAGOD MAGMAHAL. (Spoken Word Poetry)
4:45
beverly cumla
Рет қаралды 82 М.
Clown takes blame for missing candy 🍬🤣 #shorts
00:49
Yoeslan
Рет қаралды 37 МЛН
Sigma Kid Hair #funny #sigma #comedy
00:33
CRAZY GREAPA
Рет қаралды 31 МЛН
WHAT’S THAT?
00:27
Natan por Aí
Рет қаралды 13 МЛН
What it feels like cleaning up after a toddler.
00:40
Daniel LaBelle
Рет қаралды 68 МЛН
Hugot ng mga nasa Friendzone
5:51
PilipinasTV
Рет қаралды 7 МЛН
'Wag Ka Matakot Mag-isa. (Spoken Word Poetry)
4:46
beverly cumla
Рет қаралды 34 М.
Bakit ikaw pa ang pinili kong MAHALIN?
7:55
PilipinasTV
Рет қаралды 427 М.
Kakalimutan Na Kita. (Spoken Word Poetry)
5:46
beverly cumla
Рет қаралды 260 М.
ERE - Musika'Tula by Beverly Cumla & Kyle Ralvin
4:48
beverly cumla
Рет қаралды 1,5 М.
Ang Pakiramdam ng Umiibig (Spoken Word Poetry) | By Beverly Cumla
5:29
Poetry - SA PAGITAN KA NATAGPUAN by Maimai Cantillano
6:54
The Yard at 62
Рет қаралды 7 МЛН
The little boy had to do this || Please subscribe #ruthkadiri247 #comedy
1:01
#сериалы2024 #новинки2024
1:00
Kino Box
Рет қаралды 1,9 МЛН